• Home
  • Fresh Scoops
  • Teresa Loyzaga iniwanan ang pagiging flight attendant sa Australia para bumawi sa mga anak

Teresa Loyzaga iniwanan ang pagiging flight attendant sa Australia para bumawi sa mga anak

Nagbigay ng ilang detalye si Teresa Loyzaga tungkol sa sakripisyo ginawa niya bilang single mom.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

11/24/2017 9:34 AM
Teresa Loyzaga iniwanan ang pagiging flight attendant sa Australia para bumawi sa mga anak


 

Seventeen years nanirahan sa Australia si Teresa Loyzaga at 14 years siyang nagtrabaho bilang flight attendant doon kaya malaking desisyon para sa aktres na iwanan ang kanyang trabaho para lang makasama ang anak na si Diego Loyzaga at ang kanyang panganay na dito na sa Pilipinas naninirahan.

“Sino pang kasama ko don? Wala na, ako lang namang mag-isa. Ngayong lumipad sila dito, siyempre number one pa rin yung pamilya. So, binitawan ko na yung trabaho ko do’n, dito na lang ako sa pamilya ko.

“Alam kong umuwi ako na walang security na, ‘Ano kaya mangyayari sa akin pag-uwi ko? Tingnan mo naman yung sumalo sa akin, (GMO unit ng ABS-CBN), thank you,” kuwento ng aktres sa PUSH.

Si Teresa ay bahagi ng Kapamilya Gold series ng ABS-CBN na Hanggang Saan na pinagbibidahan nina Sylvia Sanchez at Arjo Atayde.

Sa presscon ng teleserye ay ibinahagi rin ng aktres ang mga ginawa niyang sakripisyo para mabigyan ng magandang buhay ang mga anak noon sa Australia.

Kuwento ni Teresa, “I was a flight attendant when we were living in Australia. It’s a good job and all that. Single mom ako noon. Wala pa ako parati sa bahay. Ang hirap.

“Sa eroplano, you’re trapped. Hindi mo sila matawagan. Hindi mo ma-check. Pag landing mo sa ibang lugar, magkaiba kayo ng oras. Pag-uwi mo, pagod na pagod at papasok na sila sa eskuwela. Pag-uwi naman nila, oras na para magtrabaho ako ulit.”

May mga na-miss din daw siya habang lumalaki ang mga anak kaya pinipilit niyang bumawi ngayon.

“Akala ko, masasabi ko nang naigapang ko na ang mga anak ko sa pinakamahirap na part ng buhay nila nung nando’n pa kami sa Australia nakatira. Oo, lumaki sila, naka-graduate, nakita ko naman pero marami akong na-miss na part ng buhay nila,” lahad niya.

“Ngayon, nandito ako. Nag-resign na ako para makasama sila. Kahit nandito ako, eh, kami naman ni Diego, pareho kaming artista, pero so far, no regrets naman ako.

“Napalaki ko naman yung mga anak ko na in gratitude, saka well-mannered naman at marunong magpasalamat. Siguro gagawan na lang namin ng paraan para magkita-kita kami.

“And ako naman, bilang nanay, bilang tatay, na ang tawag nga ay ‘inatay’, wala, eh, 24 hours kulang, eh. Kung puwede kong dagdagan para lang mapuno ko pa kung saan ako nagkulang noon ginagawa ko hanggang ngayon.

“Kung ano pa yung puwede kong maibigay sa mga anak ko, more of my time, more of my life until my last breath ibibigay ko,” medyo emosyonal na pahayag ng aktres sa PUSH.

Natanong rin si Teresa kung anong klaseng nanay siya kay Diego. Pinakikialaman ba niya ang mga desisyon ng binatang anak?

“Hanggang sa kaya ng ina na makialam, puwede siyang makialam dahil siya ang nanay,” sambit niya.

“Seriously though, kung hanggang saan ia-allow ng bata na makialam ka. Dahil sa iyo rin naman tatakbo ang mga iyan.

“Darating naman sa punto na kahit anong katigasan ng ulo, madapa siya o masaktan, sa nanay pa rin siya tatakbo. Basta ako, hanggang tawagin ng anak ko ang pangalan ko at sumigaw siya ng Ma, Nanay o Mom, nandoon ako,” pahayag ulit ni Teresa.

Samantala, magsisimula na ang Hanggang Saan sa November 27. Kasama rin sa cast ng serye sina Ariel Rivera, Yves Flores, Maris Racal, Marlo Mortel at marami pang iba. Mula ito sa direksyon nina Mervyn Brondial at Jeffrey Jeturian.