• Home
  • Fresh Scoops
  • Isabel Granada at iba pang personalidad binigyan ng star sa Eastwood Walk of Fame

Isabel Granada at iba pang personalidad binigyan ng star sa Eastwood Walk of Fame

Pinangarap daw minsan ni Isabel Granada na magkabituin sa Eastwood Walk of Fame.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

11/23/2017 9:52 AM
Isabel Granada at iba pang personalidad binigyan ng star sa Eastwood Walk of Fame


 

Isa-isang binigyan ng tribute ang ilang personalidad mula sa telebisyon, pelikula, musika, broadcasting, at teatro bilang mga bagong kasali sa Eastwood Walk of Fame na proyekto ng namayapang si German Moreno.

Ilan sa pinarangalan sa broadcasting ang mga kapamilya na sina Anthony Taberna at Karen Davila.

"Sobrang napakasaya ng puso ko. Hindi ko alam kung ano ang aking ginawa para makatanggap ng ganito klaseng parangal," pahayag ni Ka Tunying.

Tinanggap ni Bandila news anchor Karen Davila ang kanyang star sa walk of fame sa araw mismo ng kanyang kaarawan.

"This is such a surprise birthday gift. Hindi ko ito inasahan na napahanay ako sa ganito. It’s such a privilege and it inspires me na talagang to do much better for our viewers," ani naman ni Karen.

Kasama din sa binigyan ng bituin sa Walk of Fame ang mga personalidad na sumakabilang buhay na. Tinanggap ng mga naiwang kaanak nina Isabel Granada, director Emmanuel Borlaza, director Eddie Romero, at Chichay ang pagkilala na ibinigay sa kanila.

Emosyonal pa din nang sinariwa ng asawa ni Isabel na si Arnel Cowley ang kanilang naging pag-uusap noong nabubuhay pa ito.

"Naglalakad kami dito dati and she said, 'Sana one day mabigyan ako ng star dito.' Sabi ko naman, 'Who knows one day kasama ka na dito.' But still it's an honor for us that she gets one," malungkot na pahayag ni Arnel.

Kasama rin sina Matteo Guidicelli, Empoy Marquez, ang bandang Parokya Ni Edgar, Jake Zyrus (na pangalawang star na dahil nauna na ang star niya bilang Charice Pempengco), Joe D Mango, at movie producer Mother Lily Monteverde na proud na proud sa pagkilala na ito.

"I'm so proud! This is the first time that I... I feel so happy! (Laughs)” sabi ni Mother Lily.

Nagpasalamat din si Matteo Guidicelli sa parangal na ito.

"Thank you very much to the organization of the walk of fame [ni] Kuya Germs. I still remember the first time I guested on his show. Maraming, maraming salamat po. This is a big thing," pahayag ng actor-singer.

Thankful din si Jake Zyrus na unang beses nakadalo ng Walk of Fame ceremony.

"First time po ito. Dati po kasi hindi ako naka-attend noong Charice Pempengco po ako so I think blessing in disguise talaga hindi ako naka-attend dati. Muli po, maraming, maraming salamat po," pahayag ni Jake.

Ito na ang ika-12th year ng Eastwood Walk Of Fame na itinutuloy ngayon ng anak ni German Moreno na si Frederico Moreno.