• Home
  • Fresh Scoops
  • Iñigo Pascual, aminadong kabado sa pagpapakita ng katawan sa Bench Under The Stars fashion show

Iñigo Pascual, aminadong kabado sa pagpapakita ng katawan sa Bench Under The Stars fashion show

Inigo, thankful sa pamanang genes ng kanyang ama na si Piolo Pascual.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

11/23/2017 6:40 PM
Iñigo Pascual, aminadong kabado sa pagpapakita ng katawan sa Bench Under The Stars fashion show


 

Excited at masayang masaya ang kapamilya star na si Iñigo Pascual sa naganap na intimate media conference ng kanyang upcoming thanksgiving concert para sa naging success ng kanyang awitin na Dahil Sa'Yo.

Kuwento ni Iñigo, Hindi padin umano siya maka get over sa mga blessings na dumarating sa kanya dahil sa pag tabo sa iba't ibang music charts ng kanyang first hit song.

"Sobra akong excited, every opportunity, every blessings coming my way is crazy and hindi padin po ako makapaniwala I mean this whole year is a dream come true." Sambit ni Iñigo 

Bukod sa tagumpay ng kanyang LSS na awitin na Dahil Sa'Yo, isa din daw fulfillment na maituturing ni Iñigo ang katatapos lang na Under The Stars Bench Fashion Show kung saan ipinakita niya ang kanyang sexy na katawan.

 

Congratulations Bench! Happy 30 Years! 💎 • #BenchUnderTheStars

A post shared by Iñigo Dôminic Pascual 💎 (@inigopascual) on

"To be honest I was so nervous, when doing the Bench (fashion show), yung bago ako pumasok (sa catwalk), I really had to get in the zone," ani pa ni Iñigo. 

Ayon pa sa binata, nagpapasalamat siya sa genes ng kanyang ama na si Piolo Pascual dahil naging madali sa kanya na i-maintain ang pagkakaroon ng abs.

"Actually I don't have anytime to prepare for the gym, pero salamat sa genes ni Papa P! (laugh). Nandito naman siya (abs) kahit kumain ako ng marami!" pagbibiro na kuwento ni Iñigo.  

Kabado man sa kanyang naging pagrampa, thankful naman daw si Iñigo para sa kanyang naging modeling experience. Aniya, matapos ang fashion show napatunayan din daw ng binata na mas lalo pang mahalin ang kanyang sarili.

Samantala, sa isang separate na interview, aprubado naman daw ni Piolo Pascual ang naging desisyon ni Iñigo sa naganap na fashion show. Aniya may ibubuga naman daw ang kanyang anak kaya wala siyang masasabi dito.

"Yung pagpapakita ng abs, kung meron ipapakita, ok lang. Kung wala itago na lang haha! That was his choice, he asked me kung babae siya medyo hindi ako papayag pero lalake naman yung bata at pinanindigan naman niya,” pahayag ni Piolo sa Mober press launch.

Abala na si Iñigo sa paghahanda naman para sa kanyang nalalapit na thanksgiving concert sa December 1 sa Music Museum.