• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Jameson Blake reacts on being compared to Ronnie Alonte

EXCLUSIVE: Jameson Blake reacts on being compared to Ronnie Alonte

Hashtag James Blake nag-react din sa pagkumpara sa kanya kay Ronnie Alonte.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

11/23/2017 1:40 PM
EXCLUSIVE: Jameson Blake reacts on being compared to Ronnie Alonte


 

Ratsada sa paggawa ng pelikula ang Cinema One Originals Best Supporting Actor na si Jameson Blake na nananalo sa 2 Cool 2 Be 4gotten.

Pagkatapos ipalabas ng Cinemalaya film na Nabubulok, nasundan ito kaagad ng katatapos lang na Cinema One Original Festival entry na ‘Nay.

On Chistmas Day, ipapalabas naman ang 2017 Metro Manila Film Festival entry ng Regal Films na Haunted Forest kung saan isa rin siya sa mga bida kasama sina Jane Oineza, Maris Racal, at Jon Lucas.

Habang ongoing ang promo ng Haunted Forest ay ginagawa din ni James ngayon ang isa pang pelikula sa Regal under the direction of Jason Paul Laxamana titled So Connected kasama si Janella Salvador.

Ayon sa Hashtags member, malaki ang naitulong sa kanya ng kauna-unahang acting award kung bakit siya nagkakaroon ng movie projects. Pero ramdam din daw niya ang expectations sa kanya ng tao tuwing may pelikulang ginagawa.

“Meron na rin kasing nag-i-expect lalo na yung iba kasi nga best supporting actor ka na, eh. So, siyempre napi-pressure ako,” pagtatapat sa PUSH ng guwapong binata.

“But then, when I get used to it kasi, nako-cool down naman yon, eh. Parang ‘wag mo na lang isipin yon. You just have to relax talaga. Wag mong isipin yung… take a deep breath and then focus lang, yon yung iniisip ko lagi,” dugtong ni James.

Hindi rin naiwasang ikumpara siya kay Ronnie Alonte at sabihing mas mahusay siyang aktor kumpara sa kasamahan niya sa Hashtags.

“Actually, siya yung nauuna sa lahat ng Hashtags na may mga projects talaga – may movie, may teleserye. Tapos before nakasama ko siya sa A Love To Last.

“Well, hindi naman sa mas magaling ako kay Ronnie, siguro may mga strength and stuff like that lang. Siguro, may mga strength ako especially pag galit,” natatawa niyang kuwento.

Patuloy ni James, “I don’t judge the person, pero yung mga nakikita ko sa YouTube, mga comments, ang dami nilang nagsasabi na ganun nga. It’s flattering of course if someone said na mas magaling ka.

“It also helps me, ganun. And if it’s comparing to Ronnie, well that’s another story. It’s up to them naman kung ano yung sinasabi nila.

“Ako, I won’t judge myself na I’m better or anything, but if that what they see then, eh, di ganun talaga. Sila naman yung nagde-decide, eh. Nothing against him.”

Aware din si James sa isyu ng favoritism sa showbiz pero hindi niya raw ito pinapasin.

“Never akong naka-experience ng ganun. Siguro, may mga favoritism sa showbiz, like yung mga directors, mas gusto nila yung ganito, napansin ko yon.

“Pero like sa Hashtags, gusto nila equal talaga, eh. Pero minsan mahirap din kasi yung iba, may mga projects na and yung iba hindi naman masyadong busy so it’s hard to tell, it’s really hard,” sambit pa niya.

Ramdam ba niya na favorite na siya ngayon ng mga directors dahil sa dami ng projects na nagawa niya at gagawin pa in the future?

“So far, feeling ko hindi naman ako favorite or something ng mga director. I’m just getting good breaks lang siguro.

“If someone would say na parang ako yung one of the top sa Hashtags, well siguro let’s say in terms of getting projects. It’s a good sign naman, at least I can say na I’m blessed to have these stuff. It’s flattering naman and nice to hear naman but I don’t like to compare kasi with each other, eh.

“Ayokong ganun, I don’t want to be competitive with everyone, pero if that’s how it is, yung mga ginagawa mo, yung mga projects will put you on the top, eh, di maganda naman,” pagtatapos ni James sa PUSH.