Diego Loyzaga, ‘nagsawa’ na nga ba kay Sofia Andres?

Dahil sa kanilang trabaho ay halos araw-araw na magkasama sina Diego Loyzaga at Sofia Andres.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

11/23/2017 9:28 AM
Diego Loyzaga, ‘nagsawa’ na nga ba kay Sofia Andres?


 

Nasa bagong season na ang Kapamilya Gold series ng ABS-CBN na Pusong Ligaw at masayang-masaya ang isa sa mga bida ng serye na si Diego Loyzaga sa mga pumupuri sa acting na ipinapakita niya bilang Potpot/Ira Policarpio na anak Beauty Gonzalez (Teresa) kay Joem Bascon (Caloy).

“Thank you, thank you. Obviously, I’m really happy,” nakangiti niyang simula sa PUSH.

Patuloy ng binata, “I think naman, sina Direk can see na I’m always happy pag nasa work ako. I’m always parang ready, willing to do kung ano yung next scene, next draft ng script.

“I’m just really excited about everything I do with this project, with Pusong Ligaw, kaya siguro ganito rin yung nangyari. I’m really focused now on what I’m doing, sa taping, sa craft, sa acting, that’s my whole world right now.

“Masaya lang talaga ako. Malaking factor na masaya ako sa work ko. I’m happy with I’m doing and I’m happy with my cast.”

Napangiti naman si Sofia Andres habang binabanggit ni Diego na ang focus niya ay sa trabaho muna. Kaya tanong namin, paano na si Sofia kung sa work lang siya naka-focus?

“Parehas kasi kaming masaya sa ginagawa namin… Pinagpawisan ako don. Hahaha!”

Sa panibagong season, mas nakikita ng televiewers si Ira na isang career-driven guy na maraming gustong patunayan sa buhay.

“Masaya nga ako na may ganun ako, eh. Na medyo may pagkakontrabida, na may masamang factor muna yung character ko. I like it,” reaksyon niya.

“I’m really happy. I’m happy na binigyan ako ng Star Creatives ng ganitong role and ng chance na ipakita ko kung ano yung mga kaya kong gawin sa pag-arte,” dagdag pa ng aktor.

Dahil araw-araw halos magkasama sa taping ay aminado si Diego na mas lalo pa silang naging close ngayon ni Sofia.

“Wala na yatang mas iko-close yung relationship namin. Halos three years na kaming together, working together. And don naman sa years na yon, preparation pa lang para dito halos araw-araw na rin kaming magkasama.

“Maliban dito, may isa pa rin kaming proyektong magkasama, movie naman na katatapos lang, yung Mama’s Girl. So, hindi lang MWF kaming magkasama.

“Sundays lang yung parang hindi, so yon, of course, sobrang na-develop talaga kami. And I don’t think kung meron pang mas ide-develop yung relationship naming dalawa,” kuwento niya sa PUSH.

Eh, baka naman magkasawaan na sila niyan?

Nakangiting sagot ni Diego, “Nakakasawa ba yung mukha ni Sofia Andres? Yung totoo, seryoso, nakakasawa ba siya?”

Nilinaw din ni Diego ang balitang nag-break sila ni Sofia.

“I think, sa lahat naman ng love teams meron namang mga ganun, eh. People will always put something there para sirain yung… para may isyu, pero come on guys, binabale wala lang namin yon,” paglilinaw ni Diego sa PUSH na sinang-ayunan naman ni Sofia.