• Home
  • Fresh Scoops
  • Video post ni Kris Aquino, umani ng iba’t ibang reaksyon mula sa KimXi fans

Video post ni Kris Aquino, umani ng iba’t ibang reaksyon mula sa KimXi fans

May pinapahiwatig ba si Kris Aquino tungkol sa love life ni Kim Chiu?

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

11/22/2017 9:22 AM
Video post ni Kris Aquino, umani ng iba’t ibang reaksyon mula sa KimXi fans


Photo credit: @krisaquino IG (L)

 

Naging kontrobersyal ang short video na ipinost ni Kris Aquino sa kanyang Instagram account last Sunday, November 19, na para kay Kim Chiu. Bigla tuloy nag-speculate ang netizens sa isyu ng hiwalayan nina Kim at Xian Lim dahil sa mga naging pahayag ni Kris.

Sa nasabing video ay inilagay ni Kris ang caption na, “Our bonding -- Unscripted w/ @chinitaprincess UPLOADED now”.

Ang video ay parang kuha sa block screening ng movie ni Kim na The Ghost Bride na si Kris mismo ang nag-sponsor noong nakaraang Linggo.

Sa simula ay makikitang binabati ni Kris si Kim sa mahusay na acting nito na ipinakita sa pelikula.

“Kimmy, congrats. Okay, first of all, there was never a dull moment. Na-proud ako sa ‘yo kasi, ito, and I think, lahat tayo we should ano…

“This is a movie that brought out the best in Kim because it was not reliant on a partner. I was reading the reviews before coming here and consistent, sinasabi nila na maganda ang effects, pero ang mas lalong nagdala doon sa ganda ng movie, ‘yung consistency nung acting,” sambit ni Kris na siyempre, ikinatuwa naman ni Kim.

Pero ang sumunod na dialogue ni Kris ang talagang ipinag-react ng mga tagasuporta ni Kim.

Ani Kris, “Pinag-pray pa kita kagabi nung nagma-mass kami sa Padre Pio. Na sinabi ko talaga na… sinabi namin na sana may you find true and lasting love talaga. Kasi gusto namin ‘yun for you.”

After that ay inulan na ng katakot-takot na comments ang post highlighting sa sinabi ni Kris na pinagpe-pray niyang makatagpo ng tunay na pagmamahal si Kim.

Mula sa isang follower na nag-comment, malinaw daw na sinasabi ni Kris na walang boyfriend si Kim ngayon kaya hiwalay na raw ito kay Xian.

Nagtataka naman ang iba at nagtanong kung hiwalay na ba si Kim kay Xian para masabi ito ni Kris.

Reaksyon ng isa, “Yes, feeling ko break na si Kim at Xian.”

Ipinagtanggol naman ng ibang KimXi fans ang kanilang idolo sa pagsasabing hindi pa hiwalay ang dalawa.

“@krisaquino di nmn po hiwalay ate kim at kuya xian. sorry. bothered lng po ako statement nyo pray nyo mhanap kim true at everlasting love.”

Nag-react din ang ilang Kimerald (Kim and Gerald Anderson) fans.

Komento ng isang fan, “Loud and clear from miss @krisaquino wala ng Mr Right si @chinitaprincess. kimerald pa rin! Supportive pa rin si Ge kay Kimmy. Thank you ms Kris.”

Pero kung anuman talaga ang kalagayan ng relasyon nina Kim at Xian ay sila lang ang nakakaalam. Maraming beses na ring natsismis na hiwalay na sila pero lagi naman nila itong itinatanggi.

* Quotes are left as is