Crowd favorite ang Pinay beauty queen na si Rachel Peters sa katatapos lang na preliminary competition ng upcoming 66th Miss Universe pageant sa Planet Hollywood Las Vegas, USA.
Kaya naman, labis din ang pag-aabang ng pageant fans sa social media ng mga exclusive photos na kumakalat online ng pagrampa ng mga kandidata suot ang kanilang evening gown at sexy swimwear.
Hindi naman binigo ni Rachel ang kanyang mga kababayan ng ipakita na nito ang kanyang signature Infinity Walk suot ang black two-piece bikini, at gold high-slit gown na gawa ng Filipino designer na si Val Taguba.
Malakas din ang dating ng ibang Asian candidates ng 66th Miss Universe, gaya ni Maria Poonlertlarp ng Thailand.
Hindi rin papahuli si Bunga Jelitha ng Indonesia, na umaarangkada din sa ngayon sa online voting.
Kasama din sa mga sinasabing front runners sina Miss USA Kara McCullough
Demi Leigh Nel Peters ng South Africa
At Laura Gonzalez ng Columbia.
Gaganapin ang 66th Miss Universe pageant sa November 26 sa The Axis Planet Hollywood sa Las Vegas, Nevada sa November 27 at mapapanood ang live telecast nito sa ABS-CBN.