• Home
  • Fresh Scoops
  • Pinoy ‘Miss Saigon’ actor Gerald Santos balik Pilipinas para mag-record ng album

Pinoy ‘Miss Saigon’ actor Gerald Santos balik Pilipinas para mag-record ng album

Ibinahagi ni Gerald Santos ang mga natutunan niya habang nasa UK para sa ‘Miss Saigon’

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

11/22/2017 8:58 AM
Pinoy ‘Miss Saigon’ actor Gerald Santos balik Pilipinas para mag-record ng album


Photo credit: @thegeraldsantos IG

 

Balik bansa ngayon nag international stage actor na si Gerald Santos na nakilala sa pagganap niya bilang Thuy sa U.K. touring production ng stage musical na Miss Saigon.

Mahigit pitong buwan na nawala si Gerald dito sa Pilipinas kaya naman maraming bagay daw ang kanyang natuklasan sa kanyang sarili.

"Napaka-fulfilling para sa sarili. Alam mo ngayon sa sarili mo na kaya mo mamuhay ng mag-isa and in spite of napaka-rigorous ng shows, ng rehearsals, nakayanan mo. Akala ko nung una di ko makakayanan talaga," paliwanag ni Gerald.

Hindi din malilimutan ni Gerald ang panahon na nawalan siya ng boses bago ang isa niyang performance.

"First preview namin sa Leicester U.K. I almost lost my voice dahil grabe ang two months na rehearsals namin. I pulled it off naman. Doon pa lang natutunan ko na kailangan ko alagaan ang sarili ko," kuwento ni Gerald.

Ayon pa kay Gerald, nalaman din niya na mataas ang expectations ng mga foreign artist sa mga pinoy performer lalo na kantahan, acting, at sayawan.

"Iba ang respeto nila sa ating mga Pilipino, kasi alam nila na kapag nakapasok ka sa Miss Saigon ay ‘Deserve niya talaga ang part na yan kung bakit siya nakuha!’" masayang pahayag ni Gerald.

Dagdag pa ni Gerald, nasa plano na din niya ang mag-audition sa iba pang stage musicals gaya ng Les Miserables at Aladdin.

Sa ngayon, naghahanda muna si Gerald para sa kanyang first album na kanyang gagawin under Star Music.