• Home
  • Fresh Scoops
  • Paolo Ballesteros, nao-offend nga ba kapag girl ang pino-portray na role?

Paolo Ballesteros, nao-offend nga ba kapag girl ang pino-portray na role?

Paolo Ballesteros, nag-react din sa pamamayagpag ng career ng dating co-star Christian Bables.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

11/22/2017 9:07 AM
Paolo Ballesteros, nao-offend nga ba kapag girl ang pino-portray na role?


Photos credit: @pochoy_29 IG

 

Mas tumatatak sa publiko ang local and foreign celebrities na ginagaya ng tinaguriang Transformation King na si Paolo Ballesteros.

Sa Die Beautiful ay babaing-babae si Paolo kahit pa role ng isang transgender ang ginagampanan niya. Sa latest movie niyang Barbi: D’ Wonder Beki, nag-disguise din siya bilang babae. Lola naman siya sa Trip Ubusan (The Lolas vs. Zombies).

Hindi ba siya nao-offend kapag puro babae ang nabibigay sa kanyang role sa pelikula?

“No, hindi naman. I feel like a woman, charot,” pabiro niyang sagot.

“Mas gusto ko yung ganun, na magpo-portray. Kasi it’s called acting, kailangan may i-act ka otherwise, hindi na siya acting, hindi ka artista.

“Mas bet ko nga yung mga ganun kesa mga karakter na normal guy lang. Mas challenging sa akin bilang artista na hindi ako yung ginagawa ko,” rason ng TV host/comedian.

Kinuha rin ng PUSH ang side ni Paolo tungkol sa pamamayagpag ng career ngayon ni Christian Bables na una niyang nakasama Metro Manila Film Fest movie na Die Beautiful.

Ani Paolo, “Deserve naman niya talaga yon. Napanood naman natin siya sa pelikula (Die Beautiful), magaling talaga si Christian. So, I think, deserve niya and natutuwa ako na nabibigyan siya ng chance and through Die Beautiful nakilala siya.

“Dati pa naman magaling na siyang artista, eh. Nabigyan lang ng pagkakataon kaya ayun. So, support ako diyan, go nang go!”

Matagal na raw silang hindi nagkikita ng aktor.

“Nagme-message naman siya sa akin. Kino-congratulate niya ako dito sa Barbi. Gusto ngang manood, eh. Pero aalis ata siya, kasi may syuting din siya. O, di ba, sosyal.”

Sa Barbi ay si Ejay Falcon ang love interest ni Paolo. Kumusta namang katrabaho ang Kapamilya actor?

“Si Ejay, lalaking-lalaki siya,” natatawang description niya.

Bilib naman si Ejay sa pagiging professional ni Paolo sa syuting ng kanilang pelikula.

“Si Pao, yung pinagdadaanan niya sa set sobrang hirap, pero game siya sa lahat ng eksena kahit… Kasi pagme-make-up pa lang ilang oras na inaabot, saka yung eyelashes niya na sobrang haba.

“Kapag magkaeksena kami hindi siya masyadong makatingin sa akin kasi nabibigatan siya. So, ang dami niyang sinakripisyo dito sa movie,” kuwento pa niya.

“Nahihiya lang ako sa ‘yo kaya hindi ako tumitingin,” buwelta naman ni Paolo sa tinuran ni Ejay na hindi niya ito matingnan sa set.

Hirit ulit ni Ejay, “Sobrang nakakabilib yung ganyan kay Paolo, yung pagiging dedicated niya. Sana nga babae na lang siya, para… ” bitinin niyang pahayag kaya nagtawanan ang press.

Na sinagot naman ulit ni Paolo ng, “Well,” kaya tawanan ulit.

“Pag lalaki siya, ang guwapo niya pero pag babae siya, sobrang ganda. Pero ganyan na lang siya (babae) para konti na lang yung karibal namin,” pabirong hirit ulit ni Ejay sabay aming wala naman daw siyang malisyang nararamdaman kay Paolo.

Showing na sa November 22 ang Trip Ubusan at sa November 29 naman ang Barbi.