• Home
  • Fresh Scoops
  • All-male group na Clique5, handog ang pamaskong awitin para sa mga Pinoy

All-male group na Clique5, handog ang pamaskong awitin para sa mga Pinoy

Handa nang sumabak sa buhay showbiz ang bagong boygroup na Clique5.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

11/22/2017 2:09 PM
All-male group na Clique5, handog ang pamaskong awitin para sa mga Pinoy


 

Excited at masayang masaya ang bagong all male group na Clique5 sa launching ng kanilang grupo noong Sabado, November 18.

Mula sa isang kilalang model search na Circle of Ten, nagkakila-kilala ang grupo at nabuo ang bagong male group na kinabibilangan nina Sean, Karl, Josh, Marco Paolo, at Clay.

Pero bukod sa pa-gwapuhan, handog ng Clique5 ngayon ang kanilang talento para sa kanilang dumaraming mga taga-hanga.

"We can do anything po we can sing we can act and we can dance," sabi ni Karl sa press.

Labis naman din ang pasasalamat ng grupo sa Circle of Ten para sa confidence na naibigay nito sa kanila, na baon nila sa kanilang journey bilang isang male group.

"Masasabi po namin na, malaking tulong po kasi doon po kami nagkakilala lahat and yung experience na naibahagi po sa amin doon e dala-dala pa din po namin at bahagi po ng mga bagong gagawin pa naming," bahagi naman ni Sean.  

Perfect timing din ang kanilang awitin ngayong Christmas season na Tuwing Pasko na nilikha ng award winning composer na si Joven Tan.

Sa ngayon, abala ang Clique5 sa recording ng kanilang upcoming album na all original songs ni Mr. Tan.