• Home
  • Fresh Scoops
  • Piolo Pascual nagbigay pahayag sa kontrobersya na pinagdaraanan ngayon ni John Lloyd Cruz

Piolo Pascual nagbigay pahayag sa kontrobersya na pinagdaraanan ngayon ni John Lloyd Cruz

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

11/21/2017 9:56 AM
Piolo Pascual nagbigay pahayag sa kontrobersya na pinagdaraanan ngayon ni John Lloyd Cruz


 

Poging-pogi ang kapamilya actor na si Piolo Pascual sa naganap na media launch ng kanyang latest endorsement para sa Mober na isa sa mga in demand smartphone app sa ngayon.

 

Piolo Moves In #MoberlovesPiolo #moberph #moberdelivery #imobernayan #piolopascual @piolo_pascual

A post shared by moberph (@moberph) on

Ibinahagi din ng kapamilya actor ang kanyang mga proyektong nakatakdang gawin, kabilang na ang isang teleserye kasama si Alessandra De Rossi at Empoy Marquez.

Maliban sa upcoming teleserye, napapanuod din ngayon si Papa P sa Saturday sitcom na Home Sweetie Home bilang special guest. Aniya, masaya daw siya sa maganda at positibong komento na tinatanggap ng show.

"So far so good. Okay naman daw and wala pang word kung ano talaga ang mangyayari. I'm just here to give support," pahayag ni Piolo.

Wala din daw sa posisyon si Piolo para pag-usapan kung magiging regular cast member na din ba siya ng programa.

"It's hard to say because of current situation. Of course being an ABS-CBN talent and I'm under contract and I have a very good relationship with Tin [Toni Gonzaga], who am I to say no?" paglilinaw pa ng actor.

Matatandaan na kamakailan ay nag-file ng indefinite leave of absence ang Home Sweetie Home original cast member na si John Lloyd Cruz.

Read: John Lloyd Cruz to take an indefinite leave of absence from showbiz

Wala man umano si John Lloyd, nanatili naman daw ang pamamayagpag sa ratings ng programa.

 

Thank you for the love kapamilya! 😍

A post shared by Home Sweetie Home Official (@hsh.abscbn) on

"Well I spoke with Tin [Toni Gonzaga] yesterday. Sabi ko, 'Tin, ano ba mangyayari sa Home Sweetie because I want to know kung ano ang fate ng show niyo.' Pero ang sabi niya, 'Ratings didn't change, the advertisers are there, people are not complaining, people are not reacting to it, people are not violent about it,'” paliwanag ni Piolo.

"Sabi niya, 'It's good, it's a good problem' because parang tanggap daw ang nangyayari sa show. I think three years na ang show so meron na talaga siyang solid foundation and I'm just there to fill in," pahayag pa ni Piolo.

 

Kinilig ba kayo kay JP? 😍😍😍 Salamat sa panonood ka-sweeties! Sa susunod na Sabado ulit! 😘 #HSHSinglePapa

A post shared by Home Sweetie Home Official (@hsh.abscbn) on

No comment naman ang aktor pagdating naman sa usapin ng mga bagong kontrobersya na naglalabasan ngayon laban kay John Lloyd. Aniya, bilang kaibigan hangad niya ang mas makakabuti para kay John Lloyd.

"Same thing with Tin. We all want what's best for him but it's not for us to even comment or say anything about him because that's his decision. And you know we're all just going to be here as a friend, as a brother, as a family and I'm not in the position to comment on what he is doing because I protect him as brother and as a friend," pagtatapos na pahayag ni Piolo.