• Home
  • Fresh Scoops
  • Kathryn Bernardo, inalala ang pinakamatinding cyberbullying experience

Kathryn Bernardo, inalala ang pinakamatinding cyberbullying experience

Nais ni Kathryn Bernardo labanan ang cyberbullying.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

11/21/2017 9:47 AM
Kathryn Bernardo, inalala ang pinakamatinding cyberbullying experience


 

Inalala ni Kathryn Bernardo kung paano siya naapektuhan ng cyberbullying noon. Ayon sa interbyu ng PUSH sa isa sa mga bida ng La Luna Sangre, ang pinakamatinding pambu-bully na na-experience niya ay noong panahon ng eleksyon kung saan tumulong siya para sa kampanya ni Sen. Mar Roxas na tumatakbo bilang presidente ng Pilipinas.

“Kung iisa-isahin ko, ang dami talaga. Pero siguro ang pinaka-malala ‘yung last election. Dumating ako sa point na nagkulong ako sa kuwarto,” pagbabalik-tanaw ng dalaga.

Patuloy pa niya, “As in, hindi ako lumalabas. Sobrang na-depress ako nu’ng na-receive naming pangba-bash sa lahat ng tao noong time na ‘yun. And until today, kapag nag-social media ka.

“That’s why, I turned off my comment section and sa Twitter, sobrang bihira na kong mag-Twitter, kasi ang bilis kumapit lang, especially before,” sambit pa niya.

Isinusulong ngayon ni Kathryn at ni Daniel Padilla ang kampanya laban sa anti-cyberbullying.

“Ang daming puwedeng sabihin sa amin, especially nga public figure kaming pareho. Siguro naging magandang move talaga namin at advocacy namin ay ito pong fight cyberbullying.

“Ayaw po namin na next five years, next ten years, mas lalo pa itong lumala. Kasi na-feel namin kung gaano siya kahirap, kung ano ang struggle na napi-feel mo kapag ikaw ang nabu-bully mismo sa social media.

“We don’t want to continue that, sana maging stepping stone ito ng lahat para mas maging aware na seryoso ‘tong bagay na ‘to,” paliwanag pa niya.

Naniniwala rin si Kathryn na hindi kailangang manahimik na lang ang mga taong nabibiktima ng cyberbullying.

Aniya, “Kapag naisip mo, hindi enough na you keep quiet. Kasi yung iba naiisip nila, ‘Ah, okay pala, wala naman siyang masabi or something.' Akala nila tama ang ginagawa nila, kaya dito pumasok ang anti-cyberbullying, we have to make a stand.

“Kasi kapag nabu-bully ka, hindi lang nasisira ang araw mo… nagli-lead into depression, especially sa mga teenagers. Sa pag-aaral nga, 13 to 17 years old, 80% dito sa Philippines, naka-experience ng cyberbullying.

“Ganun kalaki. Kung may maipapayo ako sa lahat, take a stand and join us in our campaign para makapag-create tayo ng noise. Para yung gusto nating maisabatas… tayong mga kabataan, tayo ang magsimula. Kailangan nating mag-create ng noise,” panawagan pa niya.