• Home
  • Fresh Scoops
  • Karla Estrada, emosyonal sa birthday messages ng mga ama ng kanyang mga anak

Karla Estrada, emosyonal sa birthday messages ng mga ama ng kanyang mga anak

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

11/21/2017 7:05 PM
Karla Estrada, emosyonal sa birthday messages ng mga ama ng kanyang mga anak


 

Naging madamdamin ngayon ang episode ng Magandang Buhay matapos ulanin ng sorpresa ang host na si Karla Estrada na nagce-celebrate ng kanyang birthday. Binisita siya ni Rommel Padilla, ama ng anak niyang si Daniel at ikinuwento kung gaano kabuti si Karla bilang isang ina at kaibigan sa kanya.

“Naging ganoon ang relasyon namin ni Karla simula noong magsimula at matapos yung aming pagmamahalan laging masaya lang gano’n na yung mga panahong pareho kaming hindi ganoong kaganda ang estado sa buhay. Magtatawagan kami (…) ganoon namin tinatanggap ang buhay sa amin masaya, magaan,” kwento ni Rommel.

Ang wish naman daw niya para sa kanya ay good health.

“Higit kong ipinagpapasalamat na naging parte ka ng buhay ko dahil mayroon tayong Daniel, ako’y magiging isang kaibigan mo habang buhay na hangga’t nandiyan magmamahalan tayo bilang magkaibigan dahil mayroon tayong isang taong nagba-bond sa’tin dalawa at ‘yun ay si Daniel. At ‘wag kang mag-alala Meng (Rommel), balik-baliktarin man ang mundo ay mahal na mahal ka ng anak mo,” ani Karla.

Bukod kay Rommel, dumating rin si Mike Planas, ang ama ng anak niyang si Magui. Para kay Mike, hiling niyang mas mapalapit pa siya sa Diyos.

“Actually there’s nothing else to wish for Karla dahil she’s been very blessed. Ang dami niyang blessings na nakuha sa buhay, mababait yung mga anak. I just wish for you to be closer to God, be healthy, live a good life and keep praying. Love ko pa rin ‘to (Karla), love ko pa rin.”

Nagpasalamat naman si Karla at sinabing marami siyang natutunan sa kanya.

“Grateful ako siyempre Mike ang dami kong natutunan sa’yo. Ang pakikisama, pag-ipon ng pera pag ganito’t ganyan. Bawat relasyon meron akong natututunan at isa doon kay Mike na napakarami kong natutunan.”

Sa isang liham naman nagbigay ng mensahe si PJ na ama ng anak niyang si Carmela.

“Dearest Karla, I would like to greet you a very happy birthday. Also, I would like to congratulate you in raising our daughter Carmela as a good and loving person. Love you for anything. Just remember I am always here for you.”

Sa huli ay naging emosyonal si Karla at sinabing tears of joy ito dahil sa pagmamahal na natatanggap niya lalo na’t na-appreciate daw siya ng kanyang mga anak.