• Home
  • Fresh Scoops
  • Kylie Padilla, napaiyak nang magkita ang anak na si Alas at ang ama niyang si Robin

Kylie Padilla, napaiyak nang magkita ang anak na si Alas at ang ama niyang si Robin

Umaasa sila na ang pagkikita ng mag-lolo ay simula na nang kanilang pagkakaayos.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

11/20/2017 1:00 PM
Kylie Padilla, napaiyak nang magkita ang anak na si Alas at ang ama niyang si Robin


 

Nagsimula nang lumambot ang puso at damdamin ni Robin Padilla para sa anak na si Kylie nang mabuntis ito ng bagong Kapamilya aktor na si Aljur Abrenica hanggang sa isilang nito ang unang anak.
 
Pero recently, masayang-masaya na si Robin nang ibahagi sa kanyang Instagram account ang una nilang pagkikita ng apo na si Alas Joaquin.
 
Umatend si Kylie ng first birthday ng kanyang kapatid na anak nina Binoe (palayaw ni Robin) at Mariel Padilla na si Isabella nitong Sabado, Nobyembre 19, kung saan isinama niya ang kanyang baby.
 
Si Robin mismo ang nag-repost ng video ng kanilang “first meeting” mula sa post ng manager niyang si Betchay Vidanes na talaga namang isang very precious moment.
 
Post ni Robin, “Purihin ang nag iisang Panginoong Maylikha !!! Walang pinakamasaya sa isang lolo kundi ang mayakap at mabuhat ang isa sa unang apo Allah hu Akbar napakasarap iparinig sa kanyang tenga ang Adhan/ call to prayer bilang unang pamana sa kanyang napakamusmos at matalas na pandinig.
 
“Maraming salamat sa iyo mahal kong anak na (Kylie) sa pagdala kay ALAS sa akin Alhamdulillah ganon din sa iyo (Mariel) wala ng hihigit pang kaligayahan sa araw na ito.
 
“Pagpupugay sa lahat ng mga kumilos para maging matagumpay ang pagkikita na [email protected]_cm @kayegarcia13 .... we miss you @queeniepadillarevert.” 
 
Sa naturang video ay makikitang masayang binati nina Mariel at Binoe sina Kylie at baby Alas. Sinabihan pa ni Robin ang apo na, “Ang pogi pala nito!”
 
Kinuha rin ng action star si Alas mula sa anak at kinarga niya ito. Dito na napaiyak si Kylie.
 
Ayon naman kay Mariel talagang nakakaiyak ang nangyari.
 
Dahil sa unti-unting pagtanggap ni Robin sa relasyon nina Kylie at Aljur ay marami ang natutuwa. Umaasa sila na ang pagkikita ng mag-lolo ay simula na nang kanilang pagkakaayos.
 
Samantala, sa naturang okasyon ay hindi kasama ng mag-ina si Aljur. May previous commitments kaya ang aktor o sinadyang huwag na lang munang sumama dahil hindi pa sila nakakapag-usap nang masinsinan ni Robin?