• Home
  • Fresh Scoops
  • Hashtags member Tom Doromal speaks up on the death of Franco Hernandez

Hashtags member Tom Doromal speaks up on the death of Franco Hernandez

Tom Doromal and his friends believe there were signs from God telling them not to push through with their vacation.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

11/20/2017 9:33 AM
Hashtags member Tom Doromal speaks up on the death of Franco Hernandez


 

Sa Rated K, nagkwento si Tom Doromal ng Hashtags kung anong nangyari noong pumunta sila sa Davao Occidental para magbakasyon kasama ang mga kaibigan at si Hashtag member Franco Hernandez. Sa bakasyong ito nalunod at binawian ng buhay si Franco. 

“Nung nalaman namin na may bakasyon, ininvite ko lahat ng Hashtags.  Flight namin 6AM, tapos nung 6AM nagulat kami ba’t wala pa yung flight namin. Di ba pag sa aiport may last call. Nung 8AM na tinanong na namin, sabi oo kanina pa. Hindi pa tinawag yung pangalan namin. Tapos pinarebook na nila, 9AM ata or 10AM nag-fly kami ng Davao,” unang kwento ni Tom.  

 “Una, balak talaga namin mag falls kaso a day before umulan sa place namin, tapos sabi yung falls pangit na. Sabi ko bro, pwede tayo mag-white beach. Tapos nung nakarating kami, sinabi ko bro balik na tayo kasi anong oras na medyo dumadami na ang alon,” patuloy pa nito.  

Ayon sa ulat pasado alas dos ng hapon nang mapasukan ng tubig ang bangka na sinasakyan ng magkakaibigan kung kaya napilitan tumalon ang mga lalaking sakay ng bangka kasama na si Tom at Franco. Naiwan naman sa banca ang dalawang babaeng kasama nila, ang isa dito ay ang girlfriend ni Franco na si Janica Nam Floresca.

“Napasukan na talaga ng tubig ng buo, e di tumalon na silang lahat so nagulat na lang ako kasi sila Nam saka si Franco nandun na sa medyo malayo.”

Ni-rescue diumano ng mga bangkero si Nam at Franco pero, “After a while kinausap ako, sabi nga wala na daw.” 

Naisip nila Tom na marahil may mga signs na nagsasabi na hindi na sila dapat tumuloy sa bakasyon na yon. “Pumasok sa isip namin na  sabi ni God na ‘wag nang tumuloy. Pero hindi kasi pumasok sa isip namin e. Parang na-realize namin after na ng pangyayari. Parang kinompile namin yung sign na binigay ni Lord na ‘wag na kayong tumuloy.”

Ayon pa sa ulat, tila may premonition ng pagpapaalam si Franco sa mga post niya sa social media. Ayon naman sa kanyang ama, “Wala kaming naisip na meron siyang premonition, but as days would pass after that incident there were some people trying to relate things that were being sent through social medial. Yung picture niya na may oras na ganito. Pero other than that, days before his travel, there were no signs that he was really nagpapaalam.”