• Home
  • Fresh Scoops
  • Ejay Falcon, gumawa ng paraan para magkita ang girlfriend at biological father nito sa US

Ejay Falcon, gumawa ng paraan para magkita ang girlfriend at biological father nito sa US

Nakarelate daw si Ejay sa situation ng girlfriend na si Jana Roxas dahil hindi pa rin nito nakikita ang kanyang ama ng personal.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

11/20/2017 10:00 AM
Ejay Falcon, gumawa ng paraan para magkita ang girlfriend at biological father nito sa US


 

Biglaan ang isang linggong bakasyon ni Ejay Falcon kasama ang girlfriend na si Jana Roxas sa Amerika. Plano sana ni Ejay na sa Japan sila pupunta pero may kailangan siyang gawin para sa girlfriend kaya sa US sila nagpunta.

“Actually, ang nangyari, dapat magdya-Japan kami kasi last year nag-Japan kami. And then, si Jana kasi hindi niya nakita yung tatay niya since birth, so parang naisip ko na sorpresahin siya,” masayang kuwento ni Ejay sa PUSH.

Ayon sa binata, nakakausap daw naman ni Jana nag biological father niya sa phone or nagbi-video call sila pero hindi pa sila nagkikita nang personal.

“So, inayos ko lahat. Nagpa-book ako papuntang US tapos lumipad kami don kahit sandali lang. Sabi ko, parang wala pa akong birthday gift sa kanya, so yon na lang, ‘mag-US na lang tayo.’

“Kasi ako, hindi ko rin nakita yung tatay ko.  So, parang… alam mo yung nakaka-relate ako na hindi mo nakita yung tatay mo, so siya, may chance siya kaya pinuntahan namin,” dagdag na kuwento ni Ejay.

Hindi raw niya makakalimutan ang insidente na finally ay nakita ni Jana ang tatay niya sa Los Angeles.
Kuweno ng aktor, “Nagkita sila after 27 years. Iyak siya nang iyak, actually, silang dalawa iyak nang iyak. Nagyakapan sila. Iyakan. Matagal na yakap.”

Very memorable din daw para sa girlfriend ang lahat dahil first time niya ring magpunta ng Amerika.

“First time ni Jana sa Amerika. Actually, birthday niya nung August 22 at saka one year na kami, parang anniversary gift ko na rin kay Jana.
“Nu’ng nakita niya yung father niya parang malungkot na masaya yung naramdaman ko. Masaya kasi okey si Jana. Imagine, after 27 years nagkita ulit sila. Medyo malungkot kasi parang nainggit ako na parang buti pa siya nakita na niya yung tatay niya.

“At least siya, buo na siya. Ako, hindi pa. Pero hindi naman ako nawawalan ng pag-asa. Alam ko malapit na rin yon,” sambit niya.
Hindi nakagisnan ni Ejay ang kanyang biological father na nasa France daw ngayon.

“Siyempre, hindi naman ako basta-basta nawawalan ng pag-asa. Habang buhay tayo, hindi dapat sumusuko. May pag-asa naman,” hirit ng aktor.
Muling iginiit ni Ejay na wala pa sa plano nya ang bumuo ng pamilya at magkaroon ng baby.

“Hindi pa. Wala pa sa plano. Trabaho muna,” rason niya.

Samantala, kasama si Ejay sa pelikulang Barbi D’Wonder Beki na pinagbibidahan ni Paolo Ballesteros. Siya raw ang love interest ni Paolo sa pelikulang palabas na on Nov. 22 sa direksyon ni Tony Reyes.

Sa description ni Ejay kay Paolo ay ihinaluntulad niya ito sa model ng Victoria Secret.

“Ang ganda niya di ba?  Yung itsura niya kasi, kung naging babae siya, tapos yung height niya parang Victoria’s Secret model,” huling sambit niya sa PUSH.