• Home
  • Fresh Scoops
  • Edgar Allan, makikipag sabayan kina Coco, Vice at Vic sa MMFF

Edgar Allan, makikipag sabayan kina Coco, Vice at Vic sa MMFF

BY ABS-CBN CORPORATE COMMUNICATIONS

FRESH SCOOPS

11/20/2017 10:11 PM
Edgar Allan, makikipag sabayan kina Coco, Vice at Vic sa MMFF


 

Bibida ang aktor na si Edgar Allan Guzman ngayong kapaskuhan para sa pelikulang Deadma Walking na isa sa mga opisyal na pelikulang mapapanuod sa 2017 Metro Manila Film Festival.

 

 

Kuwento ni EA, mapupuno ng katatawanan ang kanilang pelikula kung saan makakasama niya ang kanyang true-to-life best friend na si Joross Gamboa.

"Katatawanan and may kaunting drama and at the same time, 'yung value ng friendship. Hindi lang puro kalokohan pero may aral ang story ng 'Deadma Walking,'" ani nito.

Bukod sa 'Deadma Walking,' makakasabay ni Edgar Allan at Joross ang ilan sa malalaking pangalan tuwing MMFF season gaya nina Vice Ganda, Coco Martin at Vic Sotto.

Read : Eight official entries of 2017 MMFF announced

Pero para sa aktor, nais lamang din ng kanilang pelikula na magdagdag kasiyahan ngayong kapaskuhan.

"Naniniwala naman ako na tayong mga Pinoy talagang mahilig tayo manuod ng movie every Christmas lalo na 'yung 8 official entries ng MMFF. Lahat 'yan pinapanuod natin and ako personally naniniwala ako na lahat ng movie sa MMFF ay susuportahan talaga ng mga kababayan natin," paliwanag ng aktor.

Pahayag pa nito, "After watching our movie, tatawag talaga kayo sa mga kaibigan niyo at sasabihin niyo na 'I love you.'"

Mapapanuod ang 'Deadma Walking' at iba pang pelikula sa pagbubukas ng 43rd Metro Manila Film Festival ngayong darating na December 25.