• Home
  • Fresh Scoops
  • Kris Aquino, natuto na daw paano i-handle ang kanyang bashers

Kris Aquino, natuto na daw paano i-handle ang kanyang bashers

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

11/2/2017 10:22 AM
Kris Aquino, natuto na daw paano i-handle ang kanyang bashers


Photo credit: @ krisaquino IG

 

Laman kamakailan ng social media si Kris Aquino matapos nitong patulan ang isang basher.

Dahil sa mga ganitong insidente sa kanyang social media accounts, aminado ang Queen of All Media na natutunan na niya kung paano i-handle ng tama ang kanyang mga bashers sa tulong ng mga payo ng kanyang mga kapatid.

 

i prayed my Rosary on the way home (i have a favorite app) or we listen to acoustic praise & worship music... i read my NYT, WSJ & WP ipad editions after my hot shower, & i like to read inspiring gratitude/thanksgiving quotes on Pinterest right before i sleep... i came across this & it felt written for me. NAMAOS na ko, no talk day tomorrow, lots of sleeping, and will just go to 6 PM Mass. Yes, again weird ako, pero na MISS kong maubusan ng boses dahil dumire-diretso ang pag ho-host & pag interview. So tonight i thanked God for letting me appreciate needing vocal rest, and blessing our home w/ peace & quiet because at least for the next couple of days, the super daldal Mama will be 🤐. Good night, sending you all my love, appreciation, and gratitude. P.S. HAPPY 56th birthday to my super simple, very shy, but consistently reliable sister Viel. ❤️❤️❤️

A post shared by 🇵🇭 Kris Aquino (@krisaquino) on

 

"My ate said 'I can't stop you kung sometimes pipitik ka or mayroon kang gusto awayin you're only human, and if you want to defend yourself it's your right,’" kuwento ni Kris sa PLDT SMART event kung saan ipinakilala siya bilang bagong brand ambassador.

Payo pa ng nakatatandang kapatid ni Kris, kaysa patulan ang mga ito ay gawin na lamang na habit ang magpasalamat sa mga followers niya para sa mga positibong papuri na sinasabi ng mga ito sa kanya.

 

Thank you for today @bayerofficial @claritinphilippines 💙

A post shared by 🇵🇭 Kris Aquino (@krisaquino) on

 

"My ate told me, 'It's your duty and it's your responsibility to say thank you because they make an effort to say you look good today, that you were beautiful today or you inspired them. A simple thank you is enough,’" ani ni Kris.

Dagdag pa ni Kris, nakabuti din para sa kanya ang pag-sagot paminsan-minsan sa kanyang mga followers sa pamamagitan ng pasasalamat sa mga ito.

"I think pagod na tayong lahat and totoo naman ‘di ba na if.. Even in the States I would think and also here na if it's nonstop fighting in politics or nonstop fighting among people you get tired of that," pahayag pa ni Kris.

Sa kasalukuyan nasa bakasyon si Kris kasama ang kanyang dalawang anak na sina Josh at Bimby.