• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Dan Villegas, goodbye romcom muna sa Cinema One Originals’ musical ‘Changing Partners’

EXCLUSIVE: Dan Villegas, goodbye romcom muna sa Cinema One Originals’ musical ‘Changing Partners’

Dan Villegas, aminadong nahirapan mag-direct ng hindi romcom.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

11/2/2017 10:07 AM
EXCLUSIVE: Dan Villegas, goodbye romcom muna sa Cinema One Originals’ musical ‘Changing Partners’


Photo credit: @dan_villegas IG

 

Bago ang presscon para sa 2017 Cinema One Originals ay eksklusibong nakausap ng PUSH si Direk Dan Villegas about his film entry titled Changing Partners na base sa isang critically-acclaimed musical na sinulat ni Vince de Jesus.

Ayon kay Direk Dan, pinaiyak siya habang pinapanood ang musical kaya tinanggap niya nang alukin siyang idirek ito.

Kuwento niya, “Tumawag sa akin ang playwright ng Changing Partners na gusto raw nilang isali sa Cinema One at gawing pelikula yung play at kung puwede na ako raw ang magdirek. Sabi ko, sige. Tapos si Tonette (Antoinette Jadaone), all praises din siya don sa play kaya lalo rin akong nagkainteres.”

Patuloy ni Direk Dan, “Nung after naming mapanood yung play with my staff, lahat kami umiyak pero sa iba’t ibang part ng play.

“Sabi ko, gagawin ko lang siya if we have the same cast. Kapag papalitan yung cast, ayoko na siyang gawin. Kasi yon yung cast na iniyakan ko, eh. Ito yung sinabayan kong journey, eh, di ba?”

Bida sa Changing Partners sina Agot Isidro, Jojit Lorenzo, Anna Luna, and Sandino Martin.

From being a romcom director, aminado si Direk Dan na nahirapan siya sa pagdidirek ng Changing Partners na isang musical.

“Sobra siyang challenging kasi number one, musical siya. Hindi ko alam kung tama yung ginagawa ko,” pag-amin niya.

“So, may part na bahala na, pikit mata na lang, sana mag-work kapag in-edit namin.

“Nahirapan ako in terms of coverage. Kasi, di ba, when you’re mounting a romcom, may mga shots ka na kailangan, for example, kailangan kong makita yung beauty shot nitong girl na ito kasi in love na in love na siya, kumbaga may mga ganun.

“Hindi ko alam kung tama ba yung ginagawa ko. I mean, nag-research ako, nag-aral ako, nagbasa ako kaya lang iba kasi yung theoretical kesa pag ginagawa mo na, eh,” paliwanag pa ng director.

Ang Changing Partners ay tungkol sa simpleng relationship stories told through different genders – babae, tomboy, bakla at straight guy.

“Hindi ako nahirapan pagdating do’n sa physics ng character sa cast ko. Kasi yung support group namin sobrang solid. Yung team, sobrang collaborative kasi nga iba’t ibang POV (point of view).

“Sa gay perspective, sa assistant director ko ako nagtatanong. Mas alam niya yon, eh. Yung sa lesbian naman, pag may problem ako tatawag ako sa sister ko. Kasi yung sister ko mas matapang pa sa akin yon, eh,” pagbabahagi pa niya.

Eh, ano bang nagustuhan niya sa kanyang bagong obra?

“Isa sa nagustuhan ko sa play yung statement niya about love – na ang love ay love regardless of gender. Na-feel ko yon when watching the play.  Nawawalan ka na ng pakialam kung ano yung gender nila.

“So, you don’t care anymore kung straight sila o lesbian or gay. Sana na-capture ko yon sa movie version,” umaasang pahayag ni Direk Dan sa PUSH.