Miss World crown returns to India

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

11/19/2017 12:31 PM
Miss World crown returns to India


 

Kinoronahan kagabi (oras dito sa Pilipinas) ang 2017 Miss World na si Manushi Chhlar mula sa India. Siya ang pang anim na beauty queen mula sa kanyang bansa na nakakuha ng titulo.

20-year-old medical student si Manushi at hindi niya makakalimutan ang coronationa night na naganap sa Sanya City Arena sa Sanya, China.

Manushi bested 117 candidates at pinasahan ng korona ng winner last 2016 na si Stephanie Del Valle ng Puerto Rico.

Dahil nakaka anim ng Miss World crowns ang India, tabla na sila ng Venezuela na kapwa may anim na Miss World winners.

Full Results:

Miss World 2017: India, Manushi Chhillar

First Runner- Up: Mexico, Andrea Meza

Second Runner Up: England, Stephanie Hill

Ang kandidata ng Pilipinas na si Laura Lehmann ay nakapasok lamang sa Top 40 ng pageant kahit isa siya sa mga nagwagi ng “Beauty with a Purpose” award. Ang Miss World Philippines 2016 na si Catriona Gray ay nakapasok sa Top 5 ng kompetisyon.

Ang aktres na si Megan Young ang natatanging Miss World title holder ng bansa.