• Home
  • Fresh Scoops
  • LOOK: Rachel Peters in her sarimanok inspired national costume for 66th Miss Universe

LOOK: Rachel Peters in her sarimanok inspired national costume for 66th Miss Universe

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

11/19/2017 5:50 PM
LOOK: Rachel Peters in her sarimanok inspired national costume for 66th Miss Universe


Photo credit to rachelpetersx IG

 

Mainit na inaabangan ng mga pageant fans ang isa sa mga exciting part ng Miss Universe kung saan rarampa ang mga kandidata suot ang kanilang makukulay na national costume.

Kaya naman, isa ang pambato ng Pilipinas sa 66th Miss Universe ang umaani ngayon ng positibong komento mula sa social media.

Suot ang kulay ginto na 'sarimanok' inspired national costume na likha ng Pinoy designer na si Val Taguba, litaw ang natural na ka sexihan ni Rachel Peters.

Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ni Rachel ang kahulugan ng kanyang suot na costume para sa Miss U.

"A modern twist of the legendary sarimanok. A symbol of good fortune for the Maranao people," Pahayag nito

Isa na din ito marahil sa most revealing national costume na isinuot para sa prestigious na beauty pageant.

Si Maxine Medina ay nagsuot ang kanyang vinta inspired national costume by Rhett Eala noong 2016 nang ginanap dito mismo sa Pilipinas ang Miss Universe.

Noong 2015 naman si Pia Alonzo Wurtzbach ay nagsuot ng elegant Filipiniana piece by Albert Andrada.

Mapapanuod ng live  ang 66th Miss Universe sa November 26 sa The Axis Planet Hollywood Las Vegas, Nevada at November 27 naman dito sa Pilipinas via telecast sa Kapamilya network.