• Home
  • Fresh Scoops
  • Hot moms na sina Beauty Gonzalez at Miho Nishida agaw pansin sa Bench Under The Stars fashion show

Hot moms na sina Beauty Gonzalez at Miho Nishida agaw pansin sa Bench Under The Stars fashion show

Hindi mo akalaing mga nanay na ang dalawang Kapamilya stars na kabilang sa rumampa sa sikat na fashion show.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

11/19/2017 3:09 PM
Hot moms na sina Beauty Gonzalez at Miho Nishida agaw pansin sa Bench Under The Stars fashion show


 

All out ang mga celebrities na rumampa sa katatapos lang na Bench Under The Stars Fashion Show kagabi sa Mall Of Asia Arena.

Star studded ang line-up ng showbiz personality na labis na inabangan ng kanilang mga fans.

Pero isa sa agaw pansin ng gabi ng fashion show ang mga hot mommies na rumampa suot ang two piece underwear ng kilalang clothing brand.

Isa na dito ang former Pinoy Big Brother housemate na Filipina Japanese actress na si Miho Nishida. Si Miho ay single mom sa kanyang six year old daughter na si Aimi.

 

Bukod kay Miho, agaw pansin din ang Pusong Ligaw star at mommy ng 2-year-old baby girl na si Beauty Gonzales.

 

Sexing sexy si Beauty Gonzalez ng sumampa ito sa runway kasama ang ilan sa mga Kapamilya stars. Present naman sa audience ang non-showbiz husband ni Beauty na si Norman Crisologo para magbigay suporta sa aktres.