• Home
  • Fresh Scoops
  • Paolo Ballesteros, na-hurt sa pamba-bash ng netizens kay Mariel de Leon

Paolo Ballesteros, na-hurt sa pamba-bash ng netizens kay Mariel de Leon

Dinipensa ni Paolo Ballesteros si Mariel de Leon mula sa bashers.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

11/18/2017 9:26 AM
Paolo Ballesteros, na-hurt sa pamba-bash ng netizens kay Mariel de Leon


 

Sa interbyu ng PUSH kay Paolo Ballesteros sa presscon ng pelikulang Trip Ubusan (Lolas vs. Zombies) ay hindi naiwasang magbigay ng pahayag ang aktor tungkol sa pagkatalo ni Mariel de Leon sa katatapos lang na Miss International pageant na ginanap sa Japan.

As we all know, hindi nakapasok si Mariel sa Top 15 na naging dahilan para i-bash siya nang husto ng netizens.

Matindi rin ang naging expectations kay Mariel dahil ang reigning Miss International na si Kylie Verzosa ay isang Pinay.

“Mahirap kasi na sumali sa isang beaucon (beauty contest) kaya marami sa ating mga Pilipina ang ayaw sumali talaga dahil takot. Una, maba-bash sila.

“Takot na takot din sila na makita ng ibang tao ang mga kamalian, na hindi naman dapat ganun. Kaya nga may mga judges, sila yung dapat magpuna,” ani Paolo.

Ang hurado lang daw ng pageant ang dapat humusga o mag-judge sa bawat candidates at hindi yung nilalait pa si Mariel sa social media.

“Kumbaga, tayo, supporters tayo, hindi tayo ang mga judge. May mga taong yon ang trabaho kaya ibigay na natin sa kanila yon,” paliwanag ni Paolo.

Dagdag pa niya, “Hindi naman natin kilala nang personal yung kandidata natin… so suportahan na lang natin kung anuman ang ginawa niya.

“Kung gusto niyo, e, di kayo na lang sumali. Kung meron man kayong galit dun sa tao, eh, sarilinin niyo na lang. Hindi naman makakatulong kung ipapakalat mo yung hate mo, yung nasa isip mo. Hindi ka nagmumukhang smart.

“Ni-represent na nga nung tao ang Pilipinas, tapos ganun pa ang mababasa," dire-diretso pa niyang pahayag.

Aminado si Paolo na nasaktan din siya sa pamba-bash ng netizens kay Mariel.

“Oo naman. Parang ang hirap naman ng ginawa niya. Hindi naman madali yung kalabanin mo yung buong mundo, di ba? Tapos iba-bash ka pa,” reaksyon pa niya.

“Kasi tayong mga Pilipino, ang galing-galing nating mag-judge,” medyo sarcastic nitong pahayag.

Foul din daw na sabihing nakarma si Mariel kaya ito natalo.

“Ang masasabi ko lang, yun sa mga namba-bash, eh, sana ay di rin sila makarma. Yung pagtawag pa lang nila na 'Miss Mariel Karma' bad yon ha, masama na yun, di ba?

“Alam naman pala nila yung ibig sabihin ng karma na, ‘What goes around, comes around, eh.’ Sana, huwag namang mangyari sa kanila. Huwag na tayong maging sobrang judgmental o mag-isip nang hindi maganda sa kapwa," pakiusap pa ni Paolo.

Samantala, kasama ni Paolo sa Trip Ubusan sina Jose Manalo at Wally Bayola. Palabas na ang pelikula sa November 29 mula sa APT Entertainment.