• Home
  • Fresh Scoops
  • Miss Universe Philippine bet Rachel Peters may buwelta sa basher

Miss Universe Philippine bet Rachel Peters may buwelta sa basher

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

11/18/2017 9:41 AM
Miss Universe Philippine bet Rachel Peters may buwelta sa basher


 

Sa nalalapit na pagdaraos ng 66th Miss Universe pageant sa Las Vegas, Nevada, USA, paitindi ng patindi ang kompetisyon ng mga fans sa pagboboto ng kanilang mga iniidolong kalahok.

Sa kasalukuyan, isa sa mga early favorites ang Pinay beauty queen na si Rachel Peters kasunod ng ilang Asian candidates na pinagtulungan na iboto ng mga pageant fans sa pamamagitan ng Twitter votes at poll sa Miss Universe website.

Pero sa kasagsagan ng bayanihan ngayon ng mga pageant fans, tila isang netizen ang frustrated umano sa mga larawan ni Rachel Peters.

Sinagot naman ito ni Rachel sa maayos na pamamaraan.

Dugtong pa ng netizen, wala umanong pasabog si Rachel sa mga uploaded pictures nito sa social media.

Pero para kay Rachel, ineenjoy lamang niya ang kanyang journey sa Miss Universe bilang kinatawan ng Pilipinas.

Matatandaan din na dahil sa fan vote ay nakapasok noon sa Top 6 ng 65th Miss Universe ang pambato ng Thailand na si Chalita Sansuane.

Mapapanuod ang live telecast ng 66th Miss Universe coronation night sa darating na November 27 sa kapamilya network.