• Home
  • Fresh Scoops
  • Iza Calzado gaganap bilang isang rape victim sa ‘Maalaala Mo Kaya’

Iza Calzado gaganap bilang isang rape victim sa ‘Maalaala Mo Kaya’

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

11/18/2017 9:20 AM
Iza Calzado gaganap bilang isang rape victim sa ‘Maalaala Mo Kaya’


 

All out ang performance ng kapamilya actress na si Iza Calzado na bibida sa upcoming episode ng Maalaala Mo Kaya na mapapanuod ngayong Sabado, November 18.

Buhay ng isang rape victim na nauwi sa pagbebenta ng katawan ang bibigyan buhay ni Iza. Aniya, isa ito sa mga pinaka-challenging na role na kanyang ginawa.

"Ang ganda talaga ng story ni Hazel kaya naman sinigurado talaga namin gawin. Ang buhay niya kasi ay na-rape siya and then it's just a series of unfortunate events and then she got stuck sa mindset na akala niya hindi niya kaya makawala," sabi ni Iza.

Balik teleserye din si Iza dahil nakatakada na din simulan ang bagong proyekto nila nina Joshua Garcia at Julia Barretto kung saan gaganap siya bilang kontrabida.

Ani pa ni Iza, pinag-isipan niyang mabuti kung tatanggapin nga ba niya ang proyekto.

"Actually, medyo hesitant ako tanggapin noong una. Medyo similar kay Grace (ung kanyang role sa A Love To Last) only sa styling at physicality pero mas matapang siya siguro dito," ani ni Iza.

Pagdating naman sa kanyang personal na buhay, masaya si Iza sa piling ng kanyang fiancé na si Ben Wintle na nagdiwang ng kanyang kaarawan.

Pabiro din ang naging sagot ni Iza kung ano ang kanyang regalo niya para sa fiancé.

"We're just going out of town, may pakonti-konti na (gift). Huwag na siya masyado mag-expect um-oo na nga ako sa kanya (laughs)! Joke lang! I love you Ben!” pabirong pahayag ni Iza.

Sa ngayon, binubuo pa din ni Iza at Ben ang listahan ng mga ninong at ninang sa kanilang kasal.