Ellen Adarna, no show sa Bench Under the Stars Fashion Show

Marami ang nagtatanong kung bakit absent ang Bench Body endorser sa 30th anniversary fashion show ng clothing brand.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

11/18/2017 11:24 PM
Ellen Adarna, no show sa Bench Under the Stars Fashion Show


Photo credit to maria.elena.adarna IG

 

Inabangan at inasahan ng mga dumalo ng 30th Anniversary ng Bench Under The Stars fashion show ngayong gabi, November 18, ang Kapamilya sexy actress na si Ellen Adarna.

 

@benchtm #Benchunderthestars #Bench30years

A post shared by Ellen Adarna (@maria.elena.adarna) on

Matatandaan na nakabalik na sa bansa si Ellen kasama ang napabalitang boyfriend nito na si John Lloyd Cruz matapos ang kanilang naging bakasyon sa Europe.

READ: John Lloyd Cruz and Ellen Adarna are back in Manila

Pero ilang araw ang nakalipas matapos ang kanilang pagbabalik bansa, muling lumabas ng Pilipinas si John Lloyd ng mag-isa at pumunta ng New York, USA upang dumalo umano sa kasal ng kanyang pinsan.

Kaya naman, labis nalang ang naging pananabik ng mga fans ni Ellen na muli siyang masisilayan matapos ang mahabang panahon ng kanyang pagpapahinga sa limelight.

 

Hello Philippines and Hi Sos! ❤️ @benchbodyph X @benchtm

A post shared by Ellen Adarna (@maria.elena.adarna) on

Pero ayon sa isang reliable source na nakausap ng PUSH, marahil ay hindi na talaga pinayagan ni John Lloyd Cruz na rumampa pa si Ellen sa Bench fashion show.

Ayon pa sa source, naka-schedule na sana talaga si Ellen sa go-see ng mga celebs na kasama sana na rarampa sa fashion show, pero 'no show' na din daw umano si Ellen kahit noon pa lang.

Dahil sa matagal na absence ni Ellen sa mga showbiz events, hindi pa din namamatay ang isyu na siya ay nagdadalang tao. Sa kasalukuyan, nanatiling tahimik at iwas si Ellen at John Lloyd na magkomento sa mga isyu na naglalabasan tungkol sa kanila.