• Home
  • Fresh Scoops
  • Jennifer Hammond at June Macasaet, naging mga mentor ng baguhang pageant candidates

Jennifer Hammond at June Macasaet, naging mga mentor ng baguhang pageant candidates

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

11/17/2017 9:24 AM
Jennifer Hammond at June Macasaet, naging mga mentor ng baguhang pageant candidates


 

Sumalang sa isang pageant mentoring ang mga kalahok sa kauna-unahang edisyon ng Mr. and Ms. BPO 2017.

May 40 contestants (20 male and 20 female) ang national pageant na binuo ng Royal Chimes Events. Ayon sa pamunuan ng grupo, pangunahing adbokasiya ng pageant ang magkaroon ng mukha at boses ang mga tinaguriang bagong bayani ng manggagawang Pilipino sa lumalagong Business Process Outsourcing sa Pilipinas.

Game na game sina 2016 Miss Intercontinental finalist Jennifer Hammond at 2012 Manhunt International June Macasaet na ibahagi ang kanilang mga kaalaman pagdating sa tamang skills and techniques sa pageant.

"We're teaching the candidates basic walking, posing that we have learned from international and local pageants para magkaroon naman sila ng insight na magagamit nila for this pageant," sabi ni Jennifer.

Dahil kapwa naging kinatawan noon ng mga national pageant, aminado si Jen at June na napa-throwback sila habang tinuturuan nila ang mga kalahok ng Mr. and Ms. BPO.

"Oo parang goosebumps nga e, habang tinuturuan ko sila napaisip ako dati ako yung tinuturuan so ngayon dapat may matutunan naman sila galing sa akin," pahayag ni June.

"Yes ako din while I'm sharing my own experiences nga, parang napa-throwback ako ng mga eight years ago, ganyan, when we started talaga. Kaya now I'm very honored and it's our pleasure to give back and I'm happy kasi I'm the one mentoring na, Wala na ako doon sa ako yung ginigisa kaya parang achievement ito for me," sabi naman ni Jen.

Narito naman ang listahan ng opisyal na kalahok ng Mr. and Ms. BPO 2017.

Male Candidates:

Derick Bocito - Teleperformance, Fairview

Magic Sa-Onoy - Acquire Asia Pacific, Shaw Boulevard

Lee Bueno - Teletech, Pioneer

Brent Selma - Opsify, Cebu City

Job Aiax Simpas - NTC Voice Solutions, Makati 

Arthur Bilog - Sykes Asia PH, Bonifacio Global City

Iversen Vasquez - RingCentral, EDSA Shaw

Victor Relosa - Sitel Eon

Ariel Noval - Accenture, Eastwood City

Simon Delos Reyes - Teletech, Mall of Asia

Al Prince Calilung - Sutherland Global Services, Clark, Pampanga 

Yuichi Sekiguchi - IQOR Philippines, SM Dasmarinas

Daniel Sindo - Acquire BPO, Eastwood City

Jonel Roncales - Teletech, Mall of Asia

Rnel Mangahas - Transcom, EDSA-Ortigas

Josh Perez - Accenture, Robinsons Pioneer 

Esthan Obusan - Acquire BPO, Robinsons Cyberspace Beta Ortigas

Giovanni Guillermo - Convergys Megamall

Ronnie Cadag - Teleperformance, EDSA- Greenfield

At si Shadid Sidri - Stellar BPO, Eastwood City.

Female Candidates: 

Nykhi Arines - Alorica, Mezza

Angelique Elizario - Microsourcing Inc., Ortigas 

Trish Cabilao - Teleperformance, SM Aura 

Christine Vigo - Conduit Global, Sta. Rosa, Laguna

Glydel Espero - Concentrix, Tera Tower, Q.C.

Gail Chua - Sun Life of Canada, Inc., Bonifacio Global City 

Janna Alcantara - Teletech, Sta. Rosa, Laguna

Julia Mae Mendoza - VXI HPI, Munoz

Andee Infante - ADP Philippines, Makati City

Shane Cortez - Startek PH.

Janica Maranan - VXI, Makati City

Khristine Dignomo Corpus - RingCentral Manila

Jen Bohol - TaskUs, Cavite City

Jaztine Balagtas - VXI Panorama

Airene Gogo -Teletech, Mall of Asia

Danna Leviste - Convergys, Alabang 1

Jam Dela Luna -The Results Companies, Lipa City, Batangas 

Bianca Atheena Abejero - Sykes, Shaw 500

Winzel Magbuo - WNS, Eastwood City

at  Micca Rosal -Teletech, Makati City)

Mag uuwi ng three hundred thousand pesos worth of cash (300, 000) each ang Mr and Ms BPO at mga gift certificates mula sa mga partner sponsors ng pageant ang mananalo sa gabi ng November 21, sa Mall Of Asia Arena.