• Home
  • Fresh Scoops
  • Hashtags members nagbigay ng kanilang huling mensahe para kay Franco Hernandez

Hashtags members nagbigay ng kanilang huling mensahe para kay Franco Hernandez

Pigil ang mga luha ng Hashtags members na sina CK, Jimboy, Rayt, Kid at Wilbert sa pagbigay ng farewell messages para sa kanilang kaibigan.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

11/17/2017 2:57 PM
Hashtags members nagbigay ng kanilang huling mensahe para kay Franco Hernandez


 

Pigil ang mga luha ng Hashtags members na sina CK, Jimboy, Rayt, Kid at Wilbert nang nakapanayam ito ng PUSH at ABS-CBN News sa mga huling sandali ng lamay ng kanilang kasamahan na si Franco Hernandez.

Ibinahagi ng mga kaibigan ni Franco ang kanilang fondest memories. Nagbigay din sila ng mga pabaon na mensahe para sa kanilang namayapang kasamahan.

"Bro, maraming, maraming salamat, naging parte ka ng buhay namin. Magiging matatag kami para sa kanya and para sa amin hindi siya nawala. Mananatili siya sa puso namin bilang kapatid, ka-grupo. Mahal na mahal namin siya,"  sabi ni CK. 

Si Hashtags Jimboy naman, pinuri at hinangaan ang pagiging pasensyoso ng kanilang kaibigan.

"Maraming salamat sa pakikipagkaibigan mo sa amin. Sobrang maintindihin mong tao at ikaw yung tao na mahusay talaga makisama at na-appreciate ko yung mga bagay na ginawa mo sa amin –  yung mga kulitan moments mo sa amin, everyday rehearsals, everyday sayaw. Ma-mimiss namin yun. Franco, kung andyan ka na sa itaas, gabayan mo kami ha, lagi mo kaming titignan," sabi pa ni Jimboy 

Pasasalamat din ang pabaon na mensahe ni Rayt para sa kaibigang si Franco. 

"Brother Franco, maraming, maraming salamat dahil hindi ka lang naging isang kaibigan sa amin kaya bro' mahal na mahal ka naming. Hindi ka mawawala sa puso naming," sabi ni Rayt.  

Si Kid naman hinding hindi malilimutan ang kakulitan at kasiyahan ni Franco 

"Frankie! Maraming, maraming salamat sa lahat ng naging bonding natin, ng Hashtags, ma-mimiss ka namin ng sobra. Ma-mimiss namin yung kakulitan mo, yung kaharutan mo. Mahal ka namin bro," ani ni Kid. 

Matatamis na ngiti naman ni Franco ang hindi malilimutan ni Wilbert.

"Yung energy mo, yung ngiti mong sobrang tamis. Dadalhin namin yun araw-araw sa Showtime para magpasaya ng madlang people at ng mga tao, kasi alam namin na yun ang gusto mo." 

Ngayong araw na ito na i-crecremate ang mga labi ni Franco.