Maria Isabel Lopez: ‘I will take responsibility naman’

Maria Isabel Lopez will meet with LTO regarding ASEAN lane

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

11/16/2017 9:39 AM
Maria Isabel Lopez: ‘I will take responsibility naman’


 

Sa ulat ng TV Patrol, handa na diumano si Maria Isabel Lopez na humarap sa Land Transportation Office ngayon, November 16, kaugnay ng kontrobersyal na pagdaan niya sa ASEAN lane. Ayon sa aktres at former beauty queen, “Kung ano ang consequences ng action ko, I will take responsibility naman.” 

Unang nirequest ng Metropolitan Manila Development Authority na kanselahin ang lisensiya ni Maria Isabel. Sa show cause order naman ng LTO, pinagpapaliwanag nila si Maria Isabel kung bakit hindi dapat suspindihin o kanselahin ang kanyang lisensiya.

Matatandaang nag-post si Maria Isabel tungkol sa kanyang ginawang paglabag sa street laws sa kanyang Facebook account, kung kaya pinuntirya siya din siya ng bashers.