• Home
  • Fresh Scoops
  • Arnel Cowley ibinahagi kung paano siya lumaban sa cancer kasama ang asawang si Isabel Granada

Arnel Cowley ibinahagi kung paano siya lumaban sa cancer kasama ang asawang si Isabel Granada

Sabi ni Arnel sa kanyang social media post na sana siya na lang ang naunang pumanaw kaysa sa kanyang asawa.

BY JOAN LEARY

FRESH SCOOPS

11/17/2017 12:33 AM
Arnel Cowley ibinahagi kung paano siya lumaban sa cancer kasama ang asawang si Isabel Granada


Photo credit to arnel1973 IG

 

Sa unang pagkakataon ay ibinahagi ni Arnel Cowley kung paano siya lumaban sa sakit na cancer at naging instrumento sa kanyang mabilis na recovery ang kanyang yumaong asawa na si Isabel Granada.

"You were there for me when I was suffering from cancer. You still loved me even though I lost my hair. Because of you and your love I managed to survive. It’s painful for me that you are now gone and how I really do wish that it should have been me. I LOVE YOU BABY (sic)," sinulat ni Arnel sa kanyang Instagram post.

 

Pumanaw si Isabel noon Nobyembre 4 matapos ma-comatose dahil sa brain aneurysm. I-crinemate na ang labi ng aktres noong Linggo, Nobyembre 12 at binigyan ito ng 21-gun salute ng Philippine Air Force.