• Home
  • Fresh Scoops
  • 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach isa sa mga hurado ng 66th Edition ng Miss Universe

2015 Miss Universe Pia Wurtzbach isa sa mga hurado ng 66th Edition ng Miss Universe

Pormal nang inanunsyo ng Miss Universe Organization ang listahan ng mga bumubuo ng magiging hurado sa ika-66 na edition ng Miss Universe.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

11/16/2017 11:53 AM
2015 Miss Universe Pia Wurtzbach isa sa mga hurado ng 66th Edition ng Miss Universe


Photo credit: @missuniverse IG

 

Pormal nang inanunsyo ng Miss Universe Organization ang listahan ng mga bumubuo ng magiging hurado sa ika-66 na edition ng Miss Universe na gaganapin sa darating na November 26 sa Las Vegas, Nevada, USA.

Kabilang ang 2015 Miss Universe at ngayo'y Kapamilya actress na si Pia Wurtzbach sa mga uupo bilang telecast judge ng Miss Universe.

Nauna nang naibahagi ni Pia na magkakaroon siya ng special participation sa upcoming Miss Universe pageant kung saan lalaban ngayon ang 2017 Binibining Pilipinas Universe Rachel Peters.

WATCH: Pia Wurtzbach to attend the next Miss Universe pageant 

Bukod sa mga hurado, inanunsyo na din ang ilan sa mga aasahan na performers sa coronation night.

 

Musical performances by @Fergie and @RachelPlatten! #MissUniverse ✨ . . Nov. 26, 7PM from @PHVegas LIVE on @FOXtv.

A post shared by Miss Universe (@missuniverse) on

Muli namang mapapanuod sa ikatlong pagkakataon sa Miss Universe stage ang TV host na si Steve Harvey.

 

Mapapanuod ang live telecast ng 66th Miss Universe coronation night sa darating na November 27 sa ABS-CBN.