Ryan Bang, may pakiusap kay Danica Sotto

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

11/15/2017 5:58 PM
Ryan Bang, may pakiusap kay Danica Sotto


 

Sa episode ngayon ng It’s Showtime, binuking ni Vice Ganda si Ryan Bang sa madlang people at ikinuwento ang pangyayari kung saan nagsama-sama sila nina Cheska Garcia at Danica Sotto sa kasal ni Anne Curtis sa New Zealand.

Habang nakikipagkwentuhan, hindi pala alam ni Ryan na anak ni Vic Sotto si Danica at nasabi pa niya lahat ng bagong magiging segment at pangyayari sa It’s Showtime. Host naman ng isa pang noontime show si Vic kaya nagulat si Ryan nang malaman na tatay pala ito ni Danica.

Nakiusap naman si Ryan kay Danica na ‘wag sabihin ito sa tatay niya at pumayag daw ito.

"Direk, sorry po talaga. Naikuwento ko lahat ng segment ng show, kasi akalain ko ba na tatay niya si Bossing. Pero direk, promise ni Danica na hindi siya magkukuwento sa tatay niya," ani Ryan.

Nakiusap naman uli si Ryan sa mag-ama.

"Danica, huwag mo ikuwento kay Bossing, baka matanggal ako dito,"sambit niya.

"Bossing, kahit sabihin sa iyo ng anak mo, huwag mong gawin doon," pabirong dagdag ni Ryan.

WATCH: Ryan Bang, may nakatutuwang mensahe na ibinigay kay Vic Sotto