Magkakahalong reaksyon sa social media ang naglalabasan ngayon matapos ang naging coronation ng 2017 Miss International. Ipinasa ni 2016 Miss International Kylie Verzosa ang kanyang korona kay Kevin Lilliana ng Indonesia nitong November 14 sa Tokyo, Japan.
Hindi man pinalad ang pambato ng Pilipinas na si Mariel De Leon, angat pa din ang Pinoy pride dahil naging training ground ng bagong Miss International ang pageant camp na Kagandahang Flores ni Rodgil Flores.
Sa Instagram post ng Kagandahan Flores Pageant Camp, ibinahagi nila ang kanilang kasiyahan para sa bagong Miss International.
Labis din na pasasalamat ang ipinaabot ng Indonesian pageant enthusiasts sa Kagandahang Flores para sa naitulong nito sa kanilang kandidata.
Bukod kay Kevin Lilliana, dumaan din sa training ng Kagandahang Flores ang pambato ng Japan na si Natsuki Tsutsui na pumuwesto naman bilang fourth runner-up sa Miss International.
Sa ngayon focus na ang pageant camp para sa nalalapit na laban ni Miss Universe PH Bet na si Rachel Peters na isa din sa mga nag-training sa kanilang kampo.