• Home
  • Fresh Scoops
  • Hashtags bumuhos ang luha habang inalala ang kasamahang si Franco Hernandez

Hashtags bumuhos ang luha habang inalala ang kasamahang si Franco Hernandez

Hindi napigilang humagulgol ng mga members nang alalahanin si Franco sa live telecast ng It’s Showtime ngayong Miyerkules.

BY JOAN LEARY

FRESH SCOOPS

11/15/2017 3:38 PM
Hashtags bumuhos ang luha habang inalala ang kasamahang si Franco Hernandez


 

Bumuhos ang mga luha ng Hashtags members nang alalahanin nila ang mga masasayang alaalang mayroon sila sa ka-grupo nilang si Franco Hernandez. Hindi napigilang humagulgol ng mga members sa live telecast ng It’s Showtime ngayong Miyerkules at sinabi kung gaano kabuting tao si Franco.

“Siguro mami-miss ko yung mga bati niya tuwing umaga yung yayakapin ka kahit para na kayong mag-jowa pero wala siyang pake. Mami-miss ko yung pag alam niyang mali ka, sasawayin ka niya tuturuan ka niya. Mamimiss ko yung pagkatapos naming mag-rehearsal dito sa studio kunwari may guest sisigaw siya, ‘Kid, wag ka na dika kasali dyan kumain nalang tayo’ siya yung kasama ko araw araw pag wala siya hahanapin ko siya itetext ko siya,” ani Kid Yambao.

Inalala rin nila kung gaano ka-positibong tao si Franco at siya ang tumayong Kuya sa kanilang grupo bilang isa rin siya sa mga nakakatanda dito. Si Franco rin daw ang humihikayat at nagpapalakas ng kanilang loob tuwing sumusuko na sila.

“Kuya Franco mami-miss kita sobra. Kuya Franco para na kitang totoong kapatid, para na kitang kapatid talaga dib a lagi tayong nagkwwentuhan tungkol sa mga pangrap natin ikaw yung taong maraming pangarap kuya Franco. Ikaw yung taong sobrang hardwork sa lahat. Mami-miss kita wala na yung pagbati mo sa akin sa umaga yung niyayakap mo ako na parang ako yung bunso mong kapatid mami-miss kita,” sambit ni Bugoy Cariño.

“Bro bakit mo kami iniwan? Bro kapag sasayaw ako sa Showtime ikaw lagi iisipin ko para sayo ito sorry din sa lahat ng nagawa ko sayo … lahat ng sayaw ko iaaalay ko sayo,” dagdag pa niya. 

Inamin naman ni Paulo Angeles na si Franco ang kaibigang nandiyan para sa kanya noong nagkaroon siya ng depresyon.

“Bro naalala ko pa yung huling pinagusapan natin bago ka pumuntang Davao,  sabi mo sa akin biglaan, sabi mo sa akin ‘Bro thank you naging totoo kang kaibigan.’ Sabi ko, ‘Bro ako dapat magpasalamat sayo kasi nung nagkaroon ako ng depression pare ikaw yung nandun para sakin.’ 
Nung gusto ko nang umalis sa Hashtags kasi diko na kaya diko na alam gagawin ko, wala nako sa sarili nandiyan ka para sa akin. Maraming salamat,” ani Paulo habang umiiyak.

Panoorin ang nakakaiyak na pamamaalam nila para kay Franco DITO.  

Pumanaw si Franco noong Sabado, Nobyembre 11 sa Davao Occidental sa isang drowning incident. 

READ: Hashtag Franco Hernandez passes away