• Home
  • Fresh Scoops
  • 66th Miss Universe PH Bet Rachel Peters, bitbit ang mga pangaral ng kanyang ina sa Miss Universe

66th Miss Universe PH Bet Rachel Peters, bitbit ang mga pangaral ng kanyang ina sa Miss Universe

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

11/15/2017 9:03 AM
66th Miss Universe PH Bet Rachel Peters, bitbit ang mga pangaral ng kanyang ina sa Miss Universe


Photo credit: @rachelpetersx IG

 

Sa darating na November 26 sa Las Vegas Nevada at November 27 naman dito sa Pilipinas, opisyal ng ipapasa ng reigning Miss Universe na si Iris Mittenaere ng France ang korona sa susunod na Miss Universe.

Dahil dito todo kampanya na ang Pinoy pageant fans para sa ating pambato sa prestigious beauty pageant na si 2017 Miss Universe Philippines Rachel Peters.

Kasabay ng Miss Universe fever ang pagdating naman ng inaasahan na 93 official candidates mula sa iba't ibang bansa na makakasama ni Rachel sa 66th Edition ng Miss Universe pageant na gaganapin sa Axis Theater ng Planet Hollywood sa Las Vegas, USA.

 

 

LOOK : Listahan ng 66th Miss Universe official candiates, inilabas na (📷ctto) @ABSCBNNews @ABSCBN_Showbiz

A post shared by Jeff Fernando (@showbizjeff) on

Makikita din na nagbabalik sa kompetisyon ang mga bansang El Salvador, Ghana, Iraq, Ireland, Serbia, St Lucia, Trinidad and Tobago, at Zambia sa pagpapadala ng delegada para sa Miss Universe pageant.

Target umano ng Miss Universe Organization na magkaroon ng isang daan na delegada mula sa iba't-ibang bansa na nag papatunay na ang Miss Universe ang pinakamalaking beauty search.

Marami din ang humihiling na maiuwi muli ni Rachel ang ika-apat na korona ng Miss Universe para sa Pilipinas. Kaya naman baon ni Rachel sa kanyang paglaban ang mga bilin ng kanyang ina na nakatutok sa kanya magmula umpisa.

"She’s been following my journey," sabi ni Rachel tungkol sa kanyang ina.

Naikuwento pa ng Pinay beauty queen ang mga naging pangaral sa kanya ng kanyang mommy na kasalukuyang naka-base sa Thailand.

"The most important thing that my mom has thought me is to really enjoy myself and also to take time for myself too. Because it can get pretty crazy what we’re doing and so we really need take ten minutes by ourselves. And when I started doing that, it made things so much clearer. And also to be kind to everyone," pahayag ni Rachel.

Lumabas na din ang schedule ng 66th Miss Universe para sa mga nakalinya na activities ng candidates.

Here are the schedules of the 66th Miss Universe Events and Activities 

November 11-12: Contestants Arrival

November 11-14: Registrations, Fittings, Orientation

November 13-18: Original content shoots in various locations

November 17: National Gift Auction

November 18: National Costume Show

November 19-20: Preliminary Rehearsals, Preliminary Show (Time TBD)

November 21-25: On Camera Rehearsals

November 26: Live Telecast 4PM US Local Time (Morning of November 27 in the Philippines)

November 27: Contestant’s Departures

Mapapanuod ang exclusive telecast ng 66th edition ng Miss Universe sa ABS-CBN.