Zanjoe Marudo ready na nga ba pumasok sa relasyon?

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

11/14/2017 9:03 AM
Zanjoe Marudo ready na nga ba pumasok sa relasyon?


 

Isa ang aktor na si Zanjoe Marudo sa mga tinitilian at hinahangaan ng mga kababaihan, pero aminado ang aktor na hanggang sa ngayon ay single pa din siya.

Sa panayam ng entertainment press sa aktor sa naganap na media launch ng kanyang upcoming movie with Rhian Ramos na Fallback, mainit na naging usap-usapan ang relationship status ng aktor.

 

Nov 15, 2017 🤘 cineko production

A post shared by zanjoe marudo (@onlyzanjoemarudo) on

"Kung darating siya, depende pa din sa mararamdaman ng puso ko, kung ma-fall ako o ma-in love ako, kung siya yung iisipin ko gabi-gabi araw-araw ‘di ba? Hindi mo naman mapipigilan talaga yan e kaya hindi ko masasabi na ready na ba talaga ako," pahayag ni Z.

Ayon pa kay Zanjoe, minsan ay naiisip niya na sa kanyang susunod na makakarelasyon ay sana non-showbiz ito o malayo sa kanyang mundong ginagalawan.

"Naiisip ko din kaso wala naman akong nakikilala, so hindi ko din alam. Ayaw ko naman sadyain na maghanap or makipag-blind date or magpa-reto. Nawawala kasi yung magic pag ganun pag sinasadya mo," kuwento pa ni Z.

Nadidikit man sa ilang pangalan ngayon sa showbiz, nilinaw ng aktor na single siya ngayon.

 

Salamat Baguio! 🌲

A post shared by zanjoe marudo (@onlyzanjoemarudo) on

"Takot ako makipag-date, kasi pag lumabas kayo parang may expectations na agad e," pabirong pahayag ng aktor.

Mapapanuod ang Fallback movie ng Star Cinema at Cineko Productions ngayong November 15 sa Direk ni Jason Paul Laxamana.