• Home
  • Fresh Scoops
  • Jona, alay ang kanyang ‘PRIMAJona’ concert sa kanyang namayapang ama

Jona, alay ang kanyang ‘PRIMAJona’ concert sa kanyang namayapang ama

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

11/14/2017 8:47 AM
Jona, alay ang kanyang ‘PRIMAJona’ concert sa kanyang namayapang ama


 

Emosyonal ang kapamilya singer na si Jona sa naganap na press conference ng kanyang upcoming concert na PRIMAJona na gaganapin sa November 18 sa The Theater of Solaire.

Matatandaan na pumanaw kamakailan ang kanyang ama dahil sa karamdaman na labis na pinagdadalamhati hanggang ngayon ng singer. 

Read: Jona devastated over her father's passing

Sa panayam na ito, napaiyak si Jona nang kanyang ikinuwento ang lungkot na kanyang nadarama ngayon.

"Siyempre po walang makakatumbas na sadness, or pain," emosyonal na pahayag ni Jona.

"Walang makakatumbas na lungkot and pain. Hindi na po makakapanuod si Daddy pati ng mga upcoming concert ko po," sabi pa ni Jona.

 

Kahit na dinaramdam pa din ang kalungkutan, the show must go on pa din ang motto ng singer.

"Ganun po talaga ang buhay. Kailangan po magpatuloy, mag-move forward. Iisipin ko na lang na wala man siya physically, pero yung spirit niya, yung support niya I'm sure buong-buo pa din po," ani ni Jona.

 

Miss u Daddy....

A post shared by JONA (@jona_viray) on

 

Aminado din ang kapamilya singer na hirap pa din ang kanyang kalooban dahil sa kalungkutan na kanyang nararamdaman ngayon. Kaya naman, tanging panalangin na lang ang kanyang kinakapitan ngayon upang lumakas pa ang kanyang kalooban.

"Sa totoo lang hindi ko din talaga alam. Parang kung sa sarili ko lang kasi ako kukuha ng lakas ng loob, parang hindi ko talaga kaya. So kay Lord lang ako kumukuha ng strength and lahat ng ka-kailanganin ko para ma-fulfill ko po yung mga work na kailangan ko pong tapusin," pag-amin ni Jona.

 

Aniya, tanging dasal din ang naging turo sa kanya ng kanyang namayapang ama sa tuwing siya ay pinanghihinaan na ng loob.

"Palagi lang po niya sa akin sinasabi na, ‘palagi kang hihingi ng guidance kay Lord, lagi mag-pray ng lakas ng loob. Kapag may problema ka, pag-feeling mo na down ka, huwag ka mag-aatubili na tumawag lang sa Kanya,’" pahayag pa ni Jona.

 

#PrimaJona rehearsal, with my Musical Director tito @socmina conducting the orchestra ❤ ❤❤

A post shared by JONA (@jona_viray) on

 

Sa ngayon, todo pa din ang preparasyon ni Jona para sa kanyang upcoming concert kung saan makakasama niya ang ABS-CBN Philharmonic Orchestra at ang kanyang special guest na si Asia's Song Bird Regine Velasquez.