Full support ang mga magulang ni 2017 Miss International Philippines bet Mariel De Leon na sina Christopher De Leon at Sandy Andolong na kasalukuyan ngayong nasa Tokyo, Japan.
Sa mga uploaded pictures ng mommy ni Mariel na si Sandy Andolong, makikita na kasama din ang ilan sa mga kapatid ni Mariel para magbigay suporta sa kanilang beauty queen na kapatid. Kasama din ang non-showbiz boyfriend ni Mariel na si Eric Luz.
Mamaya na muling kokoronahan ang bagong Miss International na ipapasa ng reigning Miss International, ang pride din ng Pilipinas na si Kylie Verzosa.
Kung papalarin si Mariel, siya ang ika-pitong Pinay beauty queen na kokoranahan bilang Miss International at first ever back-to-back win sa history ng naturang pageant.