• Home
  • Fresh Scoops
  • Miss International 2016 Kylie Verzosa new leading lady ni Coco Martin sa ‘Ang Panday’

Miss International 2016 Kylie Verzosa new leading lady ni Coco Martin sa ‘Ang Panday’

Dalawang Binibining Pilipinas International ang makakasama ni Coco Martin sa kanyang bagong pelikula.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

11/13/2017 9:43 AM
Miss International 2016 Kylie Verzosa new leading lady ni Coco Martin sa ‘Ang Panday’


 

Dalawang beauty queen na ang leading lady ni Coco Martin sa pelikulang Ang Panday na mapapanood sa  2017 Metro Manila Film Festival simula December 25, araw mismo ng Pasko.

Bukod kay Binibining  Pilipinas International 2017 Mariel de Leon kasama na rin sa cast ng Ang Panday si Kylie Verzosa, ang 2016 Miss International title holder.

Ito ang kauna-unahang acting assignment ng dalawang beauty queen na parehong mai-involve sa karakter ni Coco bilang Flavio sa Ang Panday.

Unang pagsasama pa lamang ni Kylie at ni Coco sa isang eksena ay humanga na ang beauty queen sa aktor dahil sa galing nitong magdirek sa Ang Panday.

Ani Kylie, “Coco is amazing. He knew what he wanted right away and what to tell you. It’s difficult to transform from actor to director. Coco ang galing niyo po.”

Ayon pa sa kanya, isang malaking karangalan ang mapabilang sa engrandeng produksyon ng Ang Panday at maidirek ni Coco sa unang pagkakataon.

I’m so happy, so thankful, and honored to be part of Ang Panday,” sambit pa ng beauty queen.

Tinawag din ni Kylie si Coco na “genuine at mabait” dahil sa magandang pakikitungo nito sa kanya.

Tinandaan naman ni Kylie ang payo sa kanya ni Coco pagdating sa pag-arte. “Basta ang sabi niya don’t act,” sabi ng beauty queen.

Samantala, parehong nasa Japan ngayon sina Mariel at Kylie. Mariel will be competing  for the Miss International pageant habang si Kylie naman ay ipapasa ang kanyang korona sa bago niyang successor bilang Miss International.

Ang Panday will be in partnership now with Star Cinema na siyang magre-release at hahawak ng promo ng pelikula. Co-producer din ng Ang Panday ang Viva Films dahil sila ang nakabili ng rights ng istorya ni Carlo J. Caparas.