• Home
  • Fresh Scoops
  • Jericho Genasky Aguas, nagsisisi sa kinahantungan ng relasyon nila ni Isabel Granada

Jericho Genasky Aguas, nagsisisi sa kinahantungan ng relasyon nila ni Isabel Granada

Ipinaliwanag ng dating aktor kung bakit mahirap din para sa kanya pumunta sa naging lamay ni Isabel Granada gabi-gabi.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

11/13/2017 9:34 AM
Jericho Genasky Aguas, nagsisisi sa kinahantungan ng relasyon nila ni Isabel Granada


Photo credits to Jericho Genaskey Aguas Facebook

 

Na-cremate na ang labi ni Isabel Granada nitong Linggo (Nov. 12), pero naiwan pa rin sa ex-husband niyang si Jericho Genasky Aguas ang sakit ng pagpanaw ng dating asawa.

Naikuwento ni Geryk (palayaw ni Jericho) na bukod sa pagdadalamhati ay dumaan din siya sa kumplikadong sitwasyon habang nakaburol noon si Isabel sa Santuario de San Jose Parish (East Greenhills).

Ayon sa kanya, hindi madali ang pagpunta niya sa lamay gabi-gabi dahil alam naman ng lahat na may bago nang asawa si Isabel ngayon na si Arnel Cowley.

“Parang naulit po yung unang sakit na naramdaman po namin noong unang nawala sa amin si Isabel,” simula ni Geryk na ang tinutukoy ay noong maghiwalay sila ni Isa.

“Mahirap yung sitwasyon dealing the funeral or wake with of course, Isabel’s partner. Marami pong nagiging samut-saring reaksyon, meron pong negatibo sa akin, meron pong negatibo rin sa kanya,” dagdag niya.

May insidente daw kung saan ay nagdala si Hubert (anak nila ni Isabel)  ng mga old pictures with his mom at siyempre, kasama rin siya sa larawan.

“Magkakasama kami (sa picture), dinispley po niya (ni Hubert), pero para wala raw pong issue, pinatanggal,” kwento ni Geryk.

Nilinaw naman ng ex-husband ni Isabel na hindi si Arnel ang nagpatanggal kundi ang ibang mga kaibigan na ayaw na niyang sabihin kung sino.

“There are people that are here na gumigitna po sa amin. Actually, nakikiusap po kami, sinabi ko, may mga bagay na hindi namin makikita. Ako po kasi, I’m very open-minded, ayoko pong may mao-offend.

“Kaya minsan, nakaupo na lang ako do’n sa gilid. Ngayon, tatawagin ako lahat ng aking mga kamag-anak at of course, si Hubert, “halika dito”, sabi, “humarap ka sa mga tao.” Kasi iniintindi ko po si Arnel.”

Aminado rin si Geryk na ngayon niya nare-realize na napakasakit pala na malagay sa ganung sitwasyon.

“Masakit pala, sa totoo lang. Na ‘yung mga tao, dati mong kilala, yayakapin ‘yung… isa, nakikita mo ‘yun, masakit po ‘yun. Masakit po pala, sobrang sakit,” sambit niya.

Napakalaki rin daw ng panghihinayang niya sa kinahantungan ng relasyon nila ni Isabel.

“Tinext ko na rin actually ang mga spiritual mentor ko, tinatanong ko, bakit ngayon, parang merong mga pagsisisi. Kasi noon, nakita ko, talagang ginawa ko ang lahat pero ngayon, parang… sayang. May panghihinayang po of course, hindi ko naman itatago na meron ding ganu’n, pero babalik ka na naman sa nakaraan.

“’Yung mga effort din po naman na ginawa ko at sa lahat ng nangyari sa amin, eh, kumbaga, ako may kasalanan,”  pahayag pa ni Geryk.