• Home
  • Fresh Scoops
  • OPM artists nagsama-sama para sa isang benefit show para sa Marawi

OPM artists nagsama-sama para sa isang benefit show para sa Marawi

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

11/12/2017 9:45 AM
OPM artists nagsama-sama para sa isang benefit show para sa Marawi


 

Present ang ilan sa mga OPM artists sa Jam For Joy Songs Of Peace And Love For Marawi, isang benefit show na inorganisa ng Manila Genesis Entertainment para magbigay tulong sa patuloy na pagbangon ng mga nasalanta ng kaguluhan sa Marawi.

Well-attended at successful ang unang gabi ng show nitong November 10 sa isang bar sa Taguig.

 

Pinangunahan nina Abby Asistio, Acel van Ommen, Dessa, Janice Javier, Jeanne Velasco-Vicars, Katrina Velarde, Over October, RJ Dela Fuente, at Kiana Valenciano ang gabi ng kasiyahan.

Ayon sa maybahay ni Mr. Pure Energy Gary Valenciano na si Angeli Pangilinan na siyang bumuo ng benefit show, labis na kasiyahan umano ang kanyang naramdaman sa patuloy na pagtutulongan ng mga Pilipino para sa Marawi.

"Initially I thought about a fun gig with some relatives, but eventually we decided to mount an event that aims to honor and help the plight of our brothers and sisters in Marawi and Jam For Joy was born," sabi pa nito.

"I'm very happy for the nice feedback of our fellow Filipinos. This means that bayanihan is still alive within our hearts," pahayag ni Angeli.

Dahil sa maganda at positibong feedback, inaasahan na mauulit pa ang Jam For Joy.