• Home
  • Fresh Scoops
  • Maria Isabel Lopez, maaring masuspinde ang lisensya sa paggamit ng ASEAN lane

Maria Isabel Lopez, maaring masuspinde ang lisensya sa paggamit ng ASEAN lane

Ipinost ng beauty queen ang kanyang ginawang pagtanggal ng barrier ng ASEAN lane sa EDSA para makaiwas sa traffic.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

11/12/2017 4:19 PM
Maria Isabel Lopez, maaring masuspinde ang lisensya sa paggamit ng ASEAN lane


 

Sari-saring komento ngayon mula sa netizens ang inaani ng Beauty Queen Actress na si Maria Isabel Lopez.

Ito ay matapos niyang i-upload sa kanyang social media account ang isang video kung saan binuksan umano niya ang special lane o ang Association of South East Asian Nations (ASEAN) lane sa EDSA na nakatakda para lamang sa mga delegado ng meeting ng mga bansa, na kasalukuyan ginaganap sa bansa.

Ayon sa kanyang video, nagsunuran na din umano sa kanya ang karamihan ng sasakyan na kasalukuyan noon na naiipit din sa trapiko.

Makikita din sa kanyang uploaded video, na nasa kalagitnaan siya ng EDSA Guadalupe nang walang pahintulot niyang binuksan at dinaanan ang ASEAN lane.

Kaya lang hindi ito ikinasiya ng mga opisyal ng Metro Manila Development Authority (MMDA), na nagbigay pahayag sa insidente.

Ayon sa report ng Inquirer, sinabi ng MMDA spokesperson na si Celine Pialago na seryosong bagay ang ginawang paglabag ng aktres sa batas.

“MMDA and the Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) will now recommend to the Land Transportation Office the suspension or cancellation of Maria Isabel Lopez’s license,” sabi ni Pialago.