• Home
  • Fresh Scoops
  • Director Jason Paul Laxamana tackles woman with ‘fallback lover’ in latest flick

Director Jason Paul Laxamana tackles woman with ‘fallback lover’ in latest flick

Director Jason Paul Laxamana takes on a different kind of love story with Zanjoe Marudo, Rhian Ramos, and Daniel Matsunaga.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

11/11/2017 10:41 AM
Director Jason Paul Laxamana tackles woman with ‘fallback lover’ in latest flick


 

Ang Star Cinema ang magre-release ng pelikula nina Zanjoe Marudo, Rhian Ramos, at Daniel Matsunaga na ang title ay Fallback mula sa Cineko Productions. Si Jason Paul Laxamana na gumawa ng box-office hit na The Third Party ang director ng Fallback na showing on November 15.

Medyo kontrobersyal ang istorya ng Fallback na ayon kay Direk Jason ay ibinase niya sa isang British study about women na merong mga fallback.

“The material is inspired by Brithish study na nagsasabi na almost 50 percent na po ng women merong fallback lovers na siyempre, sikreto lang nila. Parang gusto ko lang i-explore yon dito kasi nga yung character ni Rhian na nagpapaka-wise siya, ayaw na niyang masaktan, so, in case hindi mag-workout yung current relationship niya, hanap na siya ng fallback para meron kaagad siyang pampalit,” simulang paliwanag ng director sa PUSH.

Nilinaw din niya na iba ang “fallback” sa tinatawag na “rebound.”

Aniya, “I would like to differentiate it from rebound, kasi maraming nako-confuse kung ano daw ba yung difference ng fallback sa rebound.

“Yung rebound, panakip butas yon, eh. After your heart gets broken you find the replacement to fill the void. Ang fallback, parang reserba habang meron ka pang current relationship humahanap ka na ng reserba.”

Patuloy ni Direk Jason, “Nung sinulat ko ito, alam ko in a way na medyo magiging controversial topic siya. It’s a very internal, eh. If you have a fallback you don’t really announce na fallback ko si ganyan, kumbaga, sinasarili mo na lang, eh.

“Kaya nga naging interested ako na gawin yung pelikula kasi feeling ko mapapag-usapan siya. Like sa social media, yung comments ng mga tao – nagkakaroon ng gender war, na yung lalaki mas ganyan o yung babae mas ganyan.

“Sa pelikula naman we explore all angles, kung sino yung may problema kung bakit nagkaroon ng fallback ang isang tao. May mga kakilala ako, in fact friends ko, na feeling ko merong fallback kahit na girl sila or boy,” pahayag pa niya.

Ikinatuwa naman ni Direk Jason na muli niyang nakatrabaho si Zanjoe.

“Second time kong makatrabaho si Zanjoe after ng The Third Party namin last year, I’ve always believed in him as an actor and I really think he should be a romantic lead, parang never pa kasi siyang nagkaroon ng romantic lead sa pelikula,” reaksyon niya.

Hindi rin daw madrama ang Fallback at malayo ito sa mga nagawa niyang pelikula noon.

“Very light lang po kasi yung pelikula. Parang it’s a break from what I previously did which is heavy drama or romance drama, so parang gusto ko namang gumawa ng light romance,” pagtatapos ng director ng Fallback sa PUSH.