• Home
  • Fresh Scoops
  • Pinoy All-Male Dance Group na Strip Boys ibinahagi ang paghahanda para sa ‘Asia's Got Talent’

Pinoy All-Male Dance Group na Strip Boys ibinahagi ang paghahanda para sa ‘Asia's Got Talent’

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

11/10/2017 8:56 AM
Pinoy All-Male Dance Group na Strip Boys ibinahagi ang paghahanda para sa ‘Asia's Got Talent’


 

Sexy at kakaibang choreography ang ipinakita ng bagong all-male dance group na Strip Boys na bumibida ngayon sa season two ng sikat na talent show na Asia's Got Talent.

Courtesy AXN ASIA 

Binubuo ng limang members na nagmula sa iba't ibang grupo ang Strip Boys na sina Kenjohns Serrano, Rhemz Lunio, Jhuven Aguilan, Mannex Pacquiao, at Richard Alcantara.

"May mga ideas lang kami nakukuha sa international sites. They call it the towel dance pero ‘di naman sila nagsasayaw. Since kami we dance, na-incorporate namin yung idea into choreography," sabi pa ng grupo.

Hindi na bago sa international dance competition ang members ng Strip Boys pero aminado ang grupo na may kaba pa din sila ngayon sa kanilang performance dahil sa mga tao na naniniwala sa kanilang kakayahan.

"Yung reaction ng followers namin hati siya. May mga sumuporta at nag-enjoy pero meron din po nag-bash sa amin tapos parang sinasabi din nila ‘bakit ba yung representative ng Pilipinas ganun?’” kuwento pa ng Strip Boys.

Tatlo na ‘yes’ ang nakuha ng Strip Boys mula sa judges ng Asia’s Got Talent na sila Anggun, David Foster, at Jay Park na inspirasyon ngayon ng grupo para paghusayan pa ang kanilang gagawin na performance.

"Sobrang sarap po yung feeling na i-comment nila kami na sobrang positive, na nag-enjoy sila sa performance namin sa international platform yung judges sobrang respected."

Tatak ang mga Pinoy performers sa Asia's Got Talent mula noong season one nito kaya naman ngayong season two, hiling ng Strip Boys ang suporta ng mga Pinoy upang muling mamayagpag ang bandila ng Pilipinas sa international talent competition.

"Suportahan nyo po kami ng Strip Boys sa mga susunod na performance sa asias got talent season two," pahayag pa nila.

Sa ngayon, pinaghahandaan na ng Strip Boys ang kanilang next performance sa Asia's Got Talent na nagaganap sa Malaysia.