• Home
  • Fresh Scoops
  • Pia Wurtzbach, Daniel Matsunaga, at Dawn Zulueta cancel muna ang bakasyon dahil sa MMFF

Pia Wurtzbach, Daniel Matsunaga, at Dawn Zulueta cancel muna ang bakasyon dahil sa MMFF

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

11/10/2017 9:21 AM
Pia Wurtzbach, Daniel Matsunaga, at Dawn Zulueta cancel muna ang bakasyon dahil sa MMFF


Photo credit: @dawnzulueta (R)/ @piawurtzbach (L) IG

 

Puspusan na magtrabaho ngayon ang mga celebrities na may pelikulang kalahok sa 2017 Metro Manila Film Festival na mapapanuod ngayong kapaskuhan.

Dahil sa kanilang mga busy schedules, kailangan nila munang i-delay ang mga personal na plano kasama ang kanilang mga pamilya at mahal sa buhay.

Gaya na lang ni 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach na after Christmas na makakapagbakasyon kasama ang pamilya.

"Oo nag-adjust talaga so mukhang ang bakasyon ko if not later this year baka next year na lang," sabi pa ni Pia.

Delayed man daw ang kanyang bakasyon, proud naman daw si Pia sa maaksyon niyang mga eksena sa first movie niya kung saan makakasama niya sina Daniel Padilla at Vice Ganda.

"Yung challenge na nagbi-beauty pageant ako dati ngayon may fight scenes na ako may pa harness pa yun ang mga exciting part sa lahat."

Ang Brazilian Japanese model naman na si Daniel Matsunaga na kabilang sa Meant To Beh sasamantalahin ang pagkakataon ng trabaho bago ang bakasyon.

"Strike while the iron is hot, trabaho muna ngayon and eventually holiday will come."

Gaya ni Pia at Daniel, tanggap din daw ng pamilya ni Dawn Zulueta ngayon ang kanyang busy schedule sa darating na pasko.

Pero pangako ni Dawn sa pamilya na magkakasama sila sa araw mismo ng kapaskuhan.

"Nababawasan ang oras ko with the kids sa school and oo, namu-move din ang bakasyon pero we’re looking forward to Christmas naman."

Wala man pahinga sa shooting at promotions, tanggap daw nilang mga artista na ito ang commitment para maging maingay ang kani-kanilang pelikula.

"Ako hindi ko naraamdaman yun. For me, masaya siyang occasion talaga. But for the producers, the directors, the writers, and the actors to come up ng magagandang material and showcase it, lalo na sa Christmas day, makes it more special," pahayag ni Dawn.