• Home
  • Fresh Scoops
  • Performance ni Rachel Peters pasado na ba kina Pia Wurtzbach, Maxine Medina, at Ariella Arida?

Performance ni Rachel Peters pasado na ba kina Pia Wurtzbach, Maxine Medina, at Ariella Arida?

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

11/10/2017 9:34 AM
Performance ni Rachel Peters pasado na ba kina Pia Wurtzbach, Maxine Medina, at Ariella Arida?


 

Sa darating na November 26, gaganapin sa Planet Hollywood Resorts and Hotel sa Las Vegas, USA ang 66th Miss Universe pageant. Matatandaan na dito din kinoronahan noon si 2015 Miss Universe Pia Alonzo Wurtzbach.

At kahit all set na ang 26-year-old candidate na si 2017 Miss Universe Philippines Rachel Peters, nagbigay payo pa din ang former Miss Universe na isa din sa mga excited sa magiging laban ni Rachel.

"Nag-ask na rin siya sa akin ng advice. Minessage niya ako. Tinanong niya ako kung anong mga kailangan tandaan or isipin. Sabi ko, ‘Focus ka lang. Huwag ka madi-distract and enjoy ka lang.’ Easier said than done pero kapag nandoon na siya, maiintindihan niya yung sinasabi ko," pahayag ni Pia sa PLDT and Smart event kung saan isa siya sa mga brand ambassador.

Nagbigay pahayag din ang 2015 Miss Universe sa mga napapabalitang mas maraming kandidata ngayon ang sasabak sa pageant na posibleng makalaban ni Rachel.

"Yes actually mas interesting kapag maraming mga candidates. I think that this year they will be hitting I think hopefully 100 mark ng candidates for Miss Universe so very exciting," pahayag pa ni Pia.

Bukod kay Pia, nagbigay payo din ang 2016 Miss Universe Philippines na si Maxine Medina na nakasama ni Rachel sa sizzling production number sa ASAP nitong nagdaang linggo.

Short at simple lang ang naging mensahe Maxine para kay Rachel.

"I believe in her. For sure mage-enjoy siya and good luck to her!" pahayag ni Maxine sa media launch ng kanyang horror movie na Spirit of The Glass 2 The Haunted.

Hindi din nagpahuli sa pagbibigay payo si 2013 Miss Universe 3rd Runner Up Ariella Arida na aminadong kailangan pa umano ni Rachel na i-improve pa ang kanyang lakad.

"Yung walk niya lang. Kasi yung mentors niya sinasabi lang sa akin physically yung shoulders ni Rachel medyo mataas, normal niya na yun and sobrang stiff niya rin. Parang gusto nila medyo di mapansin yun siyempre," sabi pa ni Ariella sa Transformations event ng Cosmo Cee.

Paliwanag pa ni Ariella, plus points sa Miss Universe ang eksenang rampa na pwedeng gawin ng isang kandidata sa Miss Universe.

"In Miss Universe mahalaga talaga siya. Ako nga kahit wala akong katawan nun dahil sa lakad nakapasok (laughs) hindi lang face ang nakikita sa iyo when you walk nadadagdagan ang points sa iyo ng judges," pahayag ni Ara.

Mapapanuod ang coronation night ng 66th Miss Universe sa darating na November 27 (Manila time) sa ABS-CBN.