• Home
  • Fresh Scoops
  • Paolo Ballesteros mas na-challenge ang makeup skills sa ‘Barbi D’ Wonder Beki’

Paolo Ballesteros mas na-challenge ang makeup skills sa ‘Barbi D’ Wonder Beki’

Paolo Ballesteros masaya na nakasama si Joey de Leon sa kanyang bagong pelikula.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

11/10/2017 9:06 AM
Paolo Ballesteros mas na-challenge ang makeup skills sa ‘Barbi D’ Wonder Beki’


 

Aminado si Paolo Ballesteros na mas nahirapan siyang gawin ang comedy film na Barbi: D’ Wonder Beki kesa sa critically-acclaimed na Die Beautiful na ipinalabas noong 2016 Metro Manila Film Festival.

“Do’n kasi Die Beautiful, si Trisha, more of natural makeup lang yung ginawa ko, so kahit anong gawin ko, ganoon pa rin yung mukha ko.

“Pag nag-makeup kasi ako, in fairness, lipstick pa lang maganda na, eh… walang ano yon, ha. Pero dito sa Barbi, kailangang effortan mo,” simulang kuwento ni Paolo Ballesteros sa PUSH.

Patuloy ng aktor, “Nag-isip ako kung paano siya iibahin. Iniba ko talaga ang kilay ko. Pinalaki ko ang mga mata ko. Mas mahirap siya dahil marami akong ginagawa rito kasi parang full makeup na ang ginagawa ko.

“Tapos wala akong personal assistant at wala rin akong driver. Tatlo ring pelikula ang pinagsasabay kong gawin at ako rin ang nagme-makeup kaya talagang madugo… ito talaga yung legit na pinaghirapan.”

Base pa sa kuwento ni Paolo, nagulat siya nang malaman na makakasama rin niya sa pelikula si Joey de Leon.

“Nu’ng una, hindi ko alam kung kasama ba siya, pero I’m sure, kahit hindi siya kasama, pipilitin ko siya. Pero kung sabihin na iba yung Barbi na isasama, hindi ako papayag din. Kasi hindi naman mabubuo yung Barbi kung wala siya, eh,” katwiran ng aktor.

Bukod kay Joey, kasama rin ni Paolo ang dalawa pang mahuhusay na komedyanteng sina Joey Marquez at Smokey Manoloto sa Barbi.

“Para ngang hindi totoo, eh. I mean, yes nagkaroon ako ng Die Beautiful last year, tapos nung papunta nga ako dito habang nagda-drive ako sa EDSA, parang naiisip ko, dati ilang years na ako sa showbiz, dati parang binabyahe ko lang yon papunta ng Cubao, Makati para mag-VTR sa commercials.

“Tapos ngayon, papunta ako sa presscon ng movie ko. Eh, parang hindi pa nga umaano (nagsi-sink in) sa isip ko yung last year, eh, tapos ngayon eto… hindi ko pa rin maipaliwanag yung nararamdan ko,” sambit pa niya.

Pressured ba siya sa Barbi D’ Wonder Beki?

“Oo. Sobra. Talagang pressure kasi siya (Joey) yung original, di ba?,” pag-amin ni Paolo.

Samantala, sa mismong grand presscon ng Barbi D’ Wonder Beki ay nakaayos si Paolo na parang manika. Natagalan ng konti bago siya nakaharap sa entertainment media dahil kinailangan pang mag-make-up ng halos dalawang oras.

“Eh, ganun talaga. Para naman makita n’yo ng personal si Barbi. Hahaha! Effort kung effort di ba?” sambit niya na natatawa.

Ang Barbi ay prinodyus ng OctoArts, M-Zet at T-Rex Entertainment. Palabas na ito sa November 29 mula sa direksyon ni Tony Y. Reyes. Kasama rin sa pelikula si Ejay Falcon bilang love interest ni Paolo.