• Home
  • Fresh Scoops
  • Kris Aquino sends invitation to Mocha Uson for a ‘coffee date’

Kris Aquino sends invitation to Mocha Uson for a ‘coffee date’

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

11/10/2017 9:14 AM
Kris Aquino sends invitation to Mocha Uson for a ‘coffee date’


Photo credit: @MochaUson twitter (L)/ @krisaquino (R) IG

 

Sa blog ni Mocha Uson ay nagpahayag siya ng personal na opinion about Kris Aquino.

“I have nothing against Kris as long as she won’t run for public office. She is nice in person but another Aquino in government is just going back to your unfaithful bf again and again.

“Tama na ang ilang palpak na relationship (Cory, PNoy and Bam). Kaya as long as Kris is a private person and not in government I think hindi dapat siya i-bash.

“Hindi niya kasalanan pinanganak siyang AQUINO. ’Wag lang talaga siya tatakbo o papasok sa gobyerno ibang usap na ’yun,” bahagi ng post ni Mocha.

Kamakailan lang ay kinuha ng PLDT bilang ambassador si Kris. Pero sa karugtong na post ni Mocha, ang PLDT naman ang kanyang binanatan.

Aniya, “Our concern is ang PLDT sana hindi na gumastos ng gumastos sa marketing. Dapat ayusin nalang nila service nila. Palpak na nga internet speed palpak pa ang after service nila.

“Kesa na sa gumastos pa sila sa marketing they should focus on serving their costumers well. Yun lang po salamat.”

Obviously, nabasa ni Kris ang post ni Mocha sa kanyang blog dahil meron kaagad itong reaksyon lalo na sa “unfaithful boyfriend” thing.

Post ni Kris, “P.S. Kaya please ’wag nang mag-lecture about an ‘unfaithful boyfriend?’ Honestly, summa cum laude na po ako sa kurso ng How To Get Over an EX. Having said that, may I invite the blog post author to a Nespresso?

“Coffee naman tayo ’pag may time? After all I’m nice in person.”

Exciting kung talagang papaunlakan ni Mocha ang imbitasyon ni Kris na mag-kape sila. Ano kaya ang magiging unang topic ng kanilang conversation?

Anyway, aliw din ang isa pang post ni Kris tungkol sa Starbucks na “Ingat sa mga nag-aaya mag-coffee sa Starbucks. ’Yung iba, they need stickers more than they need you.”

Sabi pa ni Kris, “Super relate because minsan umasa rin ako ng dahil sa Starbucks invitation... But NATUTO NA AKO ng bonggang-bongga, that’s why I’ve bought 3 Nespresso machines, 2 for different areas of our home, 1 binabaon for work.”

Iba ka talaga, Kris Aquino. Hahaha!