Gab Valenciano, ni-launch ang kanyang bagong business

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

11/10/2017 9:26 AM
Gab Valenciano, ni-launch ang kanyang bagong business


 

Abala ngayon ang isa sa mga anak ni Mr. Pure Energy Gary Valenciano na si Gab Valenciano sa kanyang bagong business na Nativ Global.

 

#NativBegins 11.08.17

A post shared by Nativ (@nativglobal) on

Ang Nativ Global group na pinamumunuan ni Gab ay isang production service company na gumagawa ng mga TV commercials, digital commercials, at Audio Visual Presentations. Kabilang na din dito ang short film.

Kuwento ni Gab, nag-uumpisa pa lamang ang kanyang Nativ team sa pagbuo ng mga konsepto at ideas na kanilang gagamitin para sa mga music videos na kanyang nakahiligan lamang gawin noon.

Matatandaan din na isa sa kanyang idea ang ginamit ng International artist na si Beyoncé Knowles sa music video nito na “7/11” kung saan nominated ito bilang Best in Choreography noong 2015 sa MTV Video Music Awards.

"Yes actually this has been my ultimate dream–where I am given the freedom and capacity to share with the world my talent like what I see, feel and hear," sabi ni Gab.

Aminado si Gab na mas komportable siya ngayon na nagta-trabaho siya sa likod ng kamera.

"I love performing but one of my real passions is producing content and pushing the creative envelope. There really is nothing like creating something visually captivating that has the power to change lives," ani pa ni Gab.

Hindi man daw niya tatalikuran ang kanyang hilig sa pag-perform, aminado si Gab na mas nais na muna niya na unahin ang kanyang production services business.

"Maybe I will be spending more time behind the camera than in front of it now that Nativ is finally operational," saad pa ni Gab.

Hanggad din ni Gab na makilala pa ang husay at galing ng mga Pilipino worldwide sa pamamagitan ng mga makabagong ideas na kanilang magagawa.

"We wish to become a major game player in the video and sound production industry. This is a dream come true that we have planned for a very long time and we are now ready to create content that every Filipino can be proud of," dagdag pa ni Gab.