• Home
  • Fresh Scoops
  • Toni Gonzaga aminadong ginambala minsan ng masamang espirito sa kanyang panaginip

Toni Gonzaga aminadong ginambala minsan ng masamang espirito sa kanyang panaginip

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

11/1/2017 10:09 AM
Toni Gonzaga aminadong ginambala minsan ng masamang espirito sa kanyang panaginip


Ngayong Halloween season, uso na naman ang kuwentong katatakutan kaya naman hindi nagpahuli sa pagbibigay ng mga horror stories ang ating mga paboritong showbiz personality.

ibinahagi ang kanyang ‘di malilimutang bangungot experience noong siya ay dalaga pa.

"Dati kasi sa old room ko, akala ko totoo hindi ko alam na dream lang pala siya. Isang gabi nagising ako na parang may parang dark cloud na dark figure na nasa ibabaw ko tapos dinadaganan niya ako," sabi ni Toni.

Kuwento ni Toni, kahit na nanaginip pilit pa din niyang labanan ang bangungot.

"Hindi ako makahinga talaga non tapos pag sinasabi ko yung ‘In Jesus’s name’, hinahawakan niya yung lips ko."

Aminado si Toni na labis na takot ang kanyang naramdaman sa pangyayari kung kaya hanggang ngayon ay hindi pa din niya ito malimutan.

"Hindi ko makakalimutan yun as in sobrang linaw sa memory ko yun. Ang ginawa ko pinilit ko na bumagsak sa kama tapos pinipilit ko lumabas sa kwarto at pinipilit ko masabi na ‘In Jesus’s name’. Tapos nung makalabas ako ng kwarto ko, nagising na ako na parang pagod na pagod ako yun pala panaginip lang pala yun," pagtatapos na pahayag ni Toni.

Hindi man na naulit ang kanyang masamang panaginip dasal at taimtim na panalangin padin daw ang sandigan ni Toni tuwing siya ay ginagambala ng mga masasamang elemento sa kanyang paligid.